Diary Game season 3 January 16, 2021( Ang paglalakbay ko papunta sa kabilang bayan)

in hive-103393 •  last month 

Isang mapagpalang araw sa ating lahat. nais kong ibahagi sa inyo ang mga nakaraang kaganapan sa aking buhay. Sabado, alas 7 ng umaga,inatasan o inutusan ako ng aking ina na pupunta sa bahay ng aking nanay para bisitahin siya. medyo malayo ang lugar na iyon kaya minabuti kong pumunta ng maaga. Pagkatapos kong mag-igib ng tubig, dahil tuwing umaga yan talaga ang ginagawa ko, ang umigib ng tubig. Pagkatapos, ako ay nag-almusal, naghanda ng aking mga gamit gaya ng bag na may laman na cellphone, charger, panyo at tubig. at nang handa na ang lahat, ako ay nag-umpisang maglakad at dahil matindi ang sikat ng araw kaya napakainit ng panahon. hhhh.jpg

Habang nasa daan ako ay masaya naman ako sa aking nakit. Mga bulaklak, halaman at insekto na nagliliparan. Habang ako ay naglalakad ay napadaan ako sa isang maganda at malaking halaman na nasa gilid ng daan. Ako ay namangha at nagandahan sa aking nakita.bb.jpg
Isang malaking halaman na napakalapad ng dahon at ang kulay nito ay kulay berde. ang tawag o pangalan nito ay alocasia giant. ito ay
isang uri ng halaman na makati kapagmakadapo sa balat. Pagkatpos kung kunan ng litrato ay agad akong umalis at nagpatuloy sa aking paglalakad. medyo matarik ang bundok na tinatahakan ko at maraming bato. pero kinaya ko naman hanggang nakarating ako sa isang ilog. tinatayuan ito ng isang tulay na yari sa metal at maganda ang pagkakagawa nito. nakakatulong ito para makatawid ang mga tao na naninirahan dito at kapag may baha. pwede ring dumaan ang nakamotor at nakabisekleta sa naturang tulay. ang tulay ay donasyon ng isang tv network bilang pagtulong sa mga tao na nakatira sa lugar. qq.jpg

Malaking tulong ito para sa mga taong tagaroon. at lubos silang nagpapasalamat nito. at nang malapit na ako sa bahay ng nanay ko ay dumaan ako sa isang sapa at dahil medyo maputik ang mga paa ko, kaya ako ay agad naghugas ng paa.at nang nakarating na ako,tuwang-tuwa naman si nanay na nakadalaw ako sa kanila. agad akong nagmano kina nanay at tatay. alas 10 ng umaga ako nakarating sa kanila kaya mainit na at pawis na pawis na ako, buti nalang may baon akong tubig. Nagpapahinga ako saglit at tumulong ako kay tatay sa pag-igib ng tubig at magsibak ng kahoy. Hbang si nanay naman ay abalang-abala naman sa paghahanda ng aming pananghalian. Alas 11 ng tanghali, kami kumakain at pagkatapos ay nag-uusap-usap kaming tatlo.
Habang nag-uusap kami ay may biglang may naalala si nanay, may tinago pala siyang hinog ng saging at agad ko namang niluto ito. at pagsapit ng alas 2 ng hapon ako ay nagpaalam kina nanay at tatay. At bago ako nakaalis ay may sinabi si nanay sa akin, " BUMALIK KA ULIT DITO,"

At doon natapos ang ang isang araw na pagbisita ko sa aking nanay at tatay.

salamat sa pagbasa ng aking kaganapan sa buhay, sana ay magustuhan nyo at pagplain tayong Panginoon.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja