THE DIARY GAME (09-19-2020) | Kaarawan Nang Aking PinsansteemCreated with Sketch.

in hive-103393 •  last month  (edited)

Magandang Buhay sa ating lahat!!!

Makalipas nga ang dalawang araw na wala kami sa bahay dahil sa follow up check up ko sa doktor, hito balik na naman ako sa dating mga gawain pero laking pasasalamat ko sa Dios sa lahat nang nangyari.

Ngayong araw nga na ito ay kaarawan nang aking pinsan at sila ay nag handa nang simple pero masaya kasi marami naman kaming nag diwang.

20200922_222213.jpg

Dahil nga sa pagod nang byahe namin kahapon medyo matagal akong nagising sa araw na ito pero ako pa rin nang nag luto nang aming mga pagkain sa araw na ito kasi nga pati ang aking ina ay medyo na pagod din sa aming lakad.

Mga oras na 6:00 nang umaga na ako gumising at agad -agad ding nag luto pagkatapos kong magpasalamat sa Dios para sa bagong araw na ibinigay niya sa akin.

Natapos ako sa aking pagluluto nang mga oras na 6:50 na nang umaga at agad-agad din naman kaming kumain nang agahan upang maagang matapos at makapaghanda para sa mga bagay-bagay na dapat gawin.

Natapos nga kami sa aming agahan nang mga oras na 7:30 na nang umaga, medyo tinanghali na pero ayos lang naman ang lahat dahil nga sa pagod kaming dalawa nang aking ina.

IMG_20200921_143421.jpg Ang pinsan kong naka itim ang nagdiriwang nang kanyang kaarawan

Sa mga oras na 8:00 nang umaga, oras na sana na pumunta ako sa aking munting sakahan dahil sa dalawang araw na akong hindi naka bisita dito, pero nag iba ang lahat nang pinuntahan ako nang aking pinsan sa aming bahay.

Mga oras na 8:40 iyon nang sinabihan ako na wag kuna akong pumunta sa aking sakahan dahil nga sa kaarawan niya ngayong araw na ito at meron silang munting hinandang salo-salo.

IMG_20200921_143226~2.jpg Bahay nang aking pinsan kung saan siya ay nagdiriwang nang kanyang kaarawan

Pumunta ako sa kanilang bahay nang mga oras na 9:00 na nang umaga at meron na ngang mga nakahandang pagkain pero meron pa kaming hinihintay na iba kaya mga oras na 11:00 na kaming nag umpisa sa pagdiriwang.

Nagkaroon kami nang simpling programa at nag bigay kami nang mga wishes para sa kanya at sa mga oras ding ito ang aming tiyahin ay nag bigay nang mataimtim na dasal para sa kanya at para sa kanyang buong pamilya.

Naging masaya naman ang kaarawan niya kahit na simple pero ito rin ang panahon na nakakapag bonding kaming lahat na magkaka mag-anak dahil nga sa pandemya maraming mga okasyon na hindi na tuloy at mabuti na ngayon hindi na gaanong strikto, pwede na ang mga ganitong mga okasyon.

IMG_20200921_143238.jpg Ang anak nang aking pinsan na gustong gusto daw niya magpa picture

Habang nandoon ako sa kanila, lumapit naman itong napaka cute at makulit kong pamangkin at nakipag laro sa akin at habang kaming dalawa ay naglalaro noong sinabihan kong "picture muna tayo baby" bigla naman ito humiga at nag smile kaya tuwang tuwa ako sa kanya.

Sa kabouan naging masaya ang araw ko ngayon kahit na hindi ko nakita ang aking sakahan, naging masaya ako kasi nakapag bonding kaming mga magpipinsan sa kaarawan nang isa sa aking pinsan.

Hanggang hapon ako sa kanila at medyo natagalana akong naka uwi dahil nalibang pa kami sa pag uusap-usap at iba pang mga bagay-bagay kaya talagang masaya ako sa araw na ito.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri.

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.


Ni Recruit ni @fycee kasama ang Team Philippines Update

Para sa Team Philippines, bisitahin sina @fycee, @kneelyrac, @pingcess, @loloy2020 at @appleskie

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I hope you are already feeling well. But I guess the food also motivated you from getting up and making yourself full of strength again.
Hoping again! Hahaha
#onepercent
#philippines

Ang cute ni baby!! At ang daming pagkain! Yung cakes talaga yung una kong nakita. Kasi mahilig ako sa mga matatamis.

#onepercent
#philippines

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by @blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Greetings: @anroja

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team