THE DIARY GAME (09-20-2020) | Linggo, Ang Araw Nang Pag-sambasteemCreated with Sketch.

in hive-103393 •  last month 

Maligayang Araw sa ating lahat!!!

Marami ngang mga pangyayari sa buong linggong ito at ako ay lubos na nagpapasalamat sa Dios dahil sa kabila nang mga pangyayari, ang Dios ay totoong mapagkakatiwalaan at magpag mahal.

Ngayon nga ay araw nang linggo, kung saan ito ang araw na paborito ko sapagkat ito ang araw na ako ay makapag simba kasama nang aking mga kapatiran.

20200922_222554.jpg

Sa araw nga na ito, balik sa dating gawi na naman pero mas maaga akong gumising upang mas maagang maka paghanda nang aming makakain at maka bihis na rin nang maaga para hindi mahuli sa pagdating nang aming sundo.

Sa mga oras nga na 4:00 nang umaga ako gumising at agad ding nagluto nang aming agahan para rin matapos nang maaga at maka bihis na rin at para sa araw na ito balik uli sa piniritong isda at itlog ang ulam para mas mabilis na lang itong maluto.

Dumating ang sundo naming sasakyan nang mga oras na 6:30 nang umaga. Saktong sakto na natapos akong kumain at magbihis nang mga oras na 6:00 nang umaga kaya mas maaga din kaming nakarating aming simbahan.

Pagdating namin, hindi pa naman nagsisimula kasi hindi pa din dumating ang aming Pastor kaya meron pa kaming oras para makapag usap-usap at makapag kamustahan sa isa't isa kasi sa isang linggo, itong araw lang na ito kami nagkaka-isa at nagkikita kita.

IMG_20200920_092348.jpg Ang mga kapatiran ko habang nagsisimula na ang aming pag-samba

Sa mga oras nga na 7:20 nang umaga dumating ang aming Pastor at agad din kaming nag simimula sa aming programa at sinimulan nga namin ito sa pagpapasalamat sa Dios sa mga magaganda at kahit hindi magagandang pangyayari sa linggong ito.

Para sa araw na ito, sa aming nang nakasanayan, hindi gaanong marami ang nagsimba dahil nga siguro sa pandemyang ating nararanasan ngayon, pero sa totoo lang mas marami na ito ngayon kesa noong bago pa nag simula ang pandemya.

IMG_20200920_092335~2.jpg Ang aming Pastor habang nag-bibigay sa amin nang mabubuting salita nang Dios

Noong nakaraang linggo nga ay hindi nakapag sermon ang aming Pastor kasi nga hindi gaanong maganda ang kanyang pakiramdam pero ngayon balik na uli siya sa kanyang pagbibigay nag mabuting salita nang Dios para sa amin dahil salamat sa Dios at mabuti na ang kanyang pakiramdam.

Ang ibinahagi niya sa amin ay patungkol sa mga pagsubok at bakit tayo dumaraan dito. Alam naman natin na meron tayong mga pagsubok na dinadaan sa araw araw pero ang lahat nang ito ay binigay nang Dios upang tayo ay mas lalo pang matiwala sa kanya, hindi magbibigay ang Dios nang mga pagsubok na hindi natin kaya.

Kaya laking pasasalamat namin sa Dios para sa salita nang Dios na ibinahagi nang aming Pastor talagang ang mga ito ay nagbibigay sa amin nang pag-asa para sa lahat nang mga nagyayari sa ating mga buhay ngayon, lalong lalo na itong pandemya.

IMG_20200920_095238.jpg Harapan nang aming Simbahan habang nagbibigay nang mensahe ang aming Pastor

Mahigit sa dalawang oras din na ang Pastor ay nag bahagi nang salita nang Dios at natapos siya sa pagbabahagi nang sa mga oras na 11:00 na nag umaga at pagkatapos nito ay meron pa din kaming mga oras para makapag usap-usap sa isa't isa at makapag kaumustahan, ang pagpatuloy namin sa udlot na pag kamustahan namin kaning bago mag simula ang pag-samba.

Marami din kaming napag-usap tulad na lamang nang kanya kanya naming mga problema at iba pang mga bagay-bagay kami magandang oras din ito upang makilala pa namin ang isa't isa at ang isa din sa ginawa namin ay nagdasal para sa lahat.

At nang sumapit ang mga oras na 11:45 nang umaga, napag pasyahan na namin na umuwi na sa aming mga bahay bahay at para na rin makapag pananghalian.

Kaya sa lahat nang mga pangyayari sa buong linggo ay amin itong ipinagpasalamat sa araw na ito at pati na rin ang darating na linggo, ang Dios ay mabuti talaga sa lahat nang panahon.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri.

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.


Ni Recruit ni @fycee kasama ang Team Philippines

Para sa Team Philippines, bisitahin sina @fycee, @loloy2020, @kneelyrac, @pingcess at @appleskie

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I missed the times when I was visiting the province and going to our what we called "Kapilya". Smaller than that of a chapel. Ofcourse listening to the Word of God too.
#onepercent
#philippines
hoping even on comments I would get an upvote this time hahaha

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Greetings: @anroja

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team