THE DIARY GAME (09-21-2020) | Ang Pagtatanim Namin Nang Mga Saging Sa Aking Munting SakahansteemCreated with Sketch.

in hive-103393 •  29 days ago 

Maligayang Simula nang linggo sa lahat!!!

Isa na namang bagong linggo ang ating sisimulan at tiyak na marami na naman tayong matutunan at maipag pasalamat sa Dios.

Ngayon nga ay bagong linggo na naman at sa araw na ito balik na uli ako sa aking munting sakaha at ngayon ay kasama ko ang asawa nang aking kapatid upang tulungan ako sa pagtatanim nang mga puno nang saging.

20200922_222923.jpg

Sa araw na ito, balik na nga ako uli sa aking munting sakahan dahil sa mga nakalipas na mga araw ay hindi ako nakadalaw dahil sa meron akong mga importanting mga bagay bagay na ginawa tulad na lamang nang pagbisita ko sa doktor at mga pagdiriwang nang kaarawan na pinuntahan ko.

Kaya sa araw na ito balik ako uli na maagang gumising upang makapag handa nang makakanin. Nasa mga oras na 5:00 nang umaga ako uli gumising at nagluto agad pagkatapos kong magpasalamat sa Dios.

Nasa mga oras na 7:00 nang umaga kiming natapos sa aming agahan at agad-agad ding naghanda nang mga gamit para sa aking pagdalaw sa aking sakahan.

Makalipas ang ilang sandali, dumating na rin ang kapatid ko kasama ang kanyang asawa kasi kagabi pa sila nag sabi na tutulong sila sa pagtatanim nang mga saging.

IMG_20200922_085858~2.jpg Ang mga nakahilirang saging na aming itatanim

Mga oras na 8:15 nang umaga kami nakarating sa aking munting sakahan at agad agad ding nangoha nang aming mga itatanim na mga saging.

Nasa mga sampong mga puno nang saging din ang aming mga nakuha at tiniyak namin na yong mga medyo malalaking mga puno nang saging ang aming kinuha upang mas mabilis itong tumubo.

IMG_20200922_090923~2.jpg Paghuhukay sa lupa upang tamnan nang saging

Pagkatapos nga na makakuha kami nang mga puno nang saging na aming itatanim, oras na para maghukay at magtanim. Tiniyak din namin na saktong sakto lang ang butas na pagtatamnan.

IMG_20200922_093542~3.jpg Nagpatuloy sa paghuhukay ang asawa nang aking kapatid

Nagpatuloy nga sa paghuhukay ang asawa nang aking kapatid at medyo nakakapagod nga lang kasi medyo marami din ang aming itatanim pero okay lang kasi para naman ito sa amin, maging masaya lang kami pag nakikita namin na tumubo na ito nang mabuti.

Pagkatapos nga na mahukay ang lahat, agad din naming itinanim ang mga puno nang saging. Talagang nakakapagod pero masaya na rin ako kasi meron na namang dagdag na tanim ang aking sakahan.

Mahigit sa dalawang oras din ang aming pagtatanim nang mga saging at nasa mga oras na 11:00 nang umaga kami natapos at pagkatapos nito ay umuwi na rin kami upang makapag bihis at makaligo at malapit na rin din naman mag tanghali na kong saan magluluto pa ako para sa aming pananghalian.

Sa kabuoan naging masaya ang araw ko ngayon dahil meron na naman nga akong bagong dagdag na mga tanim na aking aalagaan at ako ay nag papasalamat sa Dios sa mga ito.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri.

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.


Ni Recruit ni @fycee kasama ang Team Philippines Update

Para sa Team Philippines, bisitahin sina @fycee, @loloy2020, @kneelyrac, @pingcess at @appleskie

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Napakasipag ☺️ namiss ko tuloy bumisita sa aming bukirin sa probinsya. Ilang saging Ang iyong itinanim?
#onepercent
#philippines

Salamat po, mas maganda mag tanim ngayon kasi tag ulan at pag lumaki na ito, mero na kami ma aani. Sampu po ang tinanim namin.😇

#onepercent
#philippines

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Greetings: @anroja