The Diary Game Season 3 (01-01-2021) | Ang Pagdiriwang Namin Nang Bagong Taon Sa Dagat πŸŽŠπŸŽ† steemCreated with Sketch.

in hive-103393 β€’Β  2 months agoΒ 

Maligayang Bagong Taon sa Ating Lahat mga Ka-Steemians!!!

Naglipas na nga ang taong 2020 at isa na namang bagong taon ang ating susuongin at tiyak ay marami na naman tayong mga aral para sa ating buhay na makukuha.

Ngayon nga ay ibabahagi ko ang ilan sa mga kaganapan noong araw nang bagong taon, habang kami ay nagbisita muna sa dagat para maipagdiwang.


20201231_211654.jpg


Kagabi nga ay matagal akong nakatulog buhat nang sinalubong pa namin ang pagpapalit nang bagong taon at noon ngang sumapit na ang ika 12:00 nang umaga ay nagsimula nang magingay ang mga tao sa pamamagitan nang kanilang mga gamit sa bahay, mga sasakyang motor, mga paputok kahit na ipinagbabawal at iba pa kaya isa din ito sa dahil kaya matagal akong nakatulog, siguro nasa 2:00 na nang umaga ako nakatulog.

Pagkagising ko nga ay talagang sumikat na ang araw, mga nasa 7:00 na ako nang umaga nagising at para ding inaantok pa ako, buti nalang at medyo mas maaga palang nagising ang aking ina kaya siya muna ang nagluto nang aming pagkain ngayong umaga. Kaya ang ginawa ko nalang ay inalagaan ko ang aking mga alagang manok, binigyan ko sila nang pagkain nila at tubig. Noong mga nasa 7:20 nang umaga na kami nakapag agahan at natapos din ako sa pagkain at iba pang mga gawain nang mga nasa oras na 8:30 nang umaga.

Ilang minuto nga habang ako ay naka upo sa aming bahay, bigla nalang nag text ang aking pinsan na akin din Pastor, inimbitahan niya ako na sumama sa kanilang pagbisita sa dagat kasama ang aming mga kasamahan sa nang aming Feeding Mission, isa na rin ito sa paraan upang makapag bonding kami at makapagpahinga sa lahat nang aming mga nagawa sa nakalipas na mga araw.

Nakarating naman ako sa venue nang mga nasa oras na 9:30 na nang umaga at pagdating ko nga ay nandoon na rin ang aking mga kasama sa feeding mission at nag sagawa muna kami nang mga laro upang kami naman ay makapag libang.


IMG_20201231_135358.jpg

Paglalaro namin nang Lie Detector Test.

Ang nilaro nga namin dito ay ang lie detector test, meron kasing nabiling laruan ang aking kasama na nagdedetermina kung nagsasabi nang totoo ang nakasalang. Habang naglalaro nga kami ay talagang nakakatuwa dahil ang ilan sa mga tanong ay napaka personal at ang iba ay nakakatuwa. Siguro, merong panahon na nagsasabi nang totoo ang laruan pero marami ding pagkakataon na hindi kaya masasabi namang hindi ito totoo, pero sa paglalaru namin ay naging masaya naman kaming lahat.


IMG_20201231_130938~2.jpg

Oras na nang aming pananghalian.

Natapos nga ang aming paglalaro nang mga nasa 11:40 nang umaga at oras na rin nang aming pagkain. Ilan nga sa aming pinagsaluhan ay ang inihaw na isda, inihaw na karne nang baboy at lechong manok. Medyo madami din naman ang nakahandang pagkain kaya busog na busog kaming lahat kaya laking pasasalamat namin sa aming Pastor na siyang naghanda at nag gastos para makapag handa nito at makapag bonding kami ngayong araw nang bagong taon, isa nga din ito sa aming pasasalamat sa Dios dahil sa kabila nang pandemyang ating naranasan noong 2020, marami paring mga magagandang naganap sa aming mga buhay.


IMG_20201231_140925.jpg


Pagkatapos naming makakain ay nagpahinga muna kami, pero ang iba naman naming mga kasama lalong lalo na ang mga anak nang aming pastor at mga pamangkin ay nakaligo sa dagat kaya kinuhaan ko sila nang mga litrato habang naliligo. Talagang tuwang tuwa ang mga ito habang naliligo kasi nga paminsan minsan lamang ito sila nakakalabas dahil ipinagbabawal nga silang makalabas kaya salamat din sa Dios na nakasama din sila.

Natapos nga kami sa aming pagdiwang nang bagong taon sa dagat nang mga nasa oras na 4:00 nang hapon at umuwi na rin din kami. Maraming salamat talaga at naka bonding din kami ngayong unang araw nang taong 2021 at dalangin ko ay mabalik na sa normal ang lahat upang mabalik sa normal na rin din ang mga gawain namin para sa Dios.

Sa kabuoan nga ay talagang naging masaya ang unang araw nang bagong taon dahil sinimulan namin ito sa aming pagkakaisa upang ngayong bagong taon na ay magkaisa pa rin kami sa mga parating pa namin na mga gawain para sa Dios.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. πŸ˜‡πŸ™β˜

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: Β 

Maau mu boss pede mu mag swimming kami dri cdo bawal pa jud.

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih