The Diary Game Season 3 (01-02-2021) | Nagkita-kita Kami Sa Wakas Makalipas Ang 12 Na Taon

in hive-103393 •  2 months ago  (edited)

Maligaya at Masaganang Bagong Taon Uli sa Ating Lahat!!!

Bagong taon na nga, ikalawang araw nang at salamat sa Dios at tayong lahat ay nasa magagandang kalagayan at nawa ay tayong lahat ay pagpalain nang Dios.

Ngayong araw ay ibabahagi ko ang kaganapan kung saan balik na naman ako sa dagat dahil sa wakas, makalipas ang 12 na taon ay nagkikita-kita na kaming mga kaklase ko noong high school.


20210103_191716.jpg


Pagkatapos nga nang aming pagdiriwang nang bagong taon kahapon sa dagat, kinagabihan ay nakatanggap na naman ako nang mensahe galing sa aking mga kaklase noong high school at sabi nilang meron kaming reunion na gaganapin, muli ay sa dagat ito gaganapin. Kaya ngayong araw na ito, nagising ako nang mga nasa 5:00 nang umaga dahil medyo na pagod din ako sa aming pagdiriwang nang bagong taon kahapon pero ako pa rin ang nag asikaso nang aming pagkain ngayong araw. Pagkagising ko nga ay hindi talaga mawawala ang pagdadasal ko sa Dios at pagkatapos ay bumangon na rin ako upang makaluto.

Ngayong araw nga ay nilagang itlog at gulay kasi ilang araw na din na puro karne ang kinakain at kailangan din na kumain nang gulay. Natapos ako sa pagluluto nang mga nasa 7:00 na nang umaga at agad din kaming kumain nang agahan. Pagkatapos nga naming makakain ay inasikaso ko na rin ang iba ko pang mga gawain upang makapag handa na para sa aming reunion at natapos ako sa lahat kong gawain nang mga nasa oras na 8:30 nang umaga.


20210104_202550.jpg


Naka alis nga ako sa aming bahay nang mga nasa oras na 9:00 nang umaga at nakarating sa venue nang nasa 9:30 nang umaga. Pagkadating ko nga doon ay nandoon na rin ang iba ko pang mga kaklase at hinintay din namin ang iba pa. Mga nasa oras na 10:15 nang umaga, mas marami na nga ang nakarating , siguro nasa 20 na kami kahit na ang inaasahan namin ay higit 30-40 ang makakarating pero dahil siguro sa pandemya at merong mga trabaho hindi nakarating ang iba. Higit 60 kasi kaming lahat kaya inasahan namin na marami ang makakarating, pero ok lang din kasi baka magkulang ang pagkain namin. Ilang sandali nga ay nagkuha muna kami nang aming litrato para remembrance at sawakas ay nagkita-kita na kami.


IMG_20210102_130521~2.jpg


Pagdating nang mga oras na 11:45 nang umaga ay oras nga para kumain at saktong sakto nga na dumating na rin ang hinihintay namin ang lechon baboy na talagang hindi mawawala kapag merong okasyon. Ilan din sa mga nakahandang pagkain ay lechon manok, adobong manok at kinilaw na isda. Nabusog naman kaming lahat dahil sobra sobra ang mga pagkain na nasa hapagkainan namin dahil nga kunti lang sa amin ang nakarating. Hiling nalang namin na sa susunod na reunion namin ay marami na ang makadalu para maging mas masaya kaming lahat.


IMG_20210102_141914~2.jpg


Kinahaponan naman ay puro kwento nalang ang ginagawa namin lalong lalo na ang mga kaklase kong na lasing na, hindi naman kasi ako umiinom kaya hindi ako kasali sa nalasing. Habang abala nga sila sa kanikanilang mga kwento, pumunta muna ako sa dahat at kumuha nang litrato dahil talaga namang napaka ganda nang dagat na aking nakikita. Naglakad lakad muna ako, nagpapahangin habang nakikita ang kagandahan nang kalikasan. Paminsan minsan nalang din kasi ako nakaka bisita sa dagat kaya habang nandito ako, sulitin na ang lahat.

Noong bumalik nga ako ay patuloy pa rin sila sa pagkukwento, lalo na yong mga lasing hanggang umabot nang mga nasa oras na 5:00 nang hapon at kailangan na din naming umuwi dahil hindi pweding magpa gabi sa dagat kaya nagpag pasyahan na namin na umuwi nalang pero dala ang mga ngiti sa aming mga labi dahil sa aming pagkikita-kita muli.

Sa kabuoan, ang araw kong ito ay isa sa pinakamagandang nangyari sa akin lalo na at bagong taon dahil sa wakas ay nagkikita-kita kaming mga kaklase makalipas ang 12 na taon at baka sa susunod na taon na naman muli.
At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png