Magandang Buhay Sa Ating Lahat!!!
Ito ang unang lunes nang taon at tiyak na marami na naman tayong mga magagandang mga karanasan na magpagkukunan nang aral habang tayo ay nabubuhay at salamat sa Dios at tayong lahat ay malakas at na sa mabuting kalagayan.
Ngayong araw na ito, ibabahagi ko sa inyo ang aking napaka cute na pamangkin na ibinilin nang aking nakakatandang kapatid dahil meron siyang mahalagang gagawin, kaya bantay bata muna ako ngayon.
Ngayong araw na ito, plano ko talagang pumunta sa aking munting sakahan dahil medyo matagal na rin na hindi ako naka bisita kaya gumising ako nang mga nasa 4:30 nang umaga. Pagkagising ko nga ay agad akong nagpasalamat sa Dios at bumangon na rin upang makapag luto na. Ang lulutuin ko naman sa araw na ito ay piniritong itlog at tuyo dahil walang nag lako nang isda kaya hindi kami naka bili pero masarap naman ang ulam namin ngayon, lalong lalo na ang tuyo.
Natapos ako sa pagluluto nang mga nasa 6:00 nang umaga at bago kami kakain ay inasikaso ko muna ang aking mga alagang mga manok, binigyan nang pagkain at tubig. Pagka tapos kong mabigyan nang pagkain at tubig ang mga alaga kong manok ay kumain na rin kami para matapos nang maaga. Mga nasa 7:00 nang umaga na ako natapos kumain at inasikaso ko na din ang mga alaga kong aso at pusa.
Noong mga nasa 8:00 nang umaga, paalis na sana ako papunta nang aking munting sakahan nang biglang dumating ang aking nakakatandang kapatid kasama ang kanyang isang buwang anak at ibibilin niya daw muna sa akin dahil meron siyang mahalagang kawin at wala siyang mapag iwanan, nasa trabaho kasa ang asawa niya. Kaya na iba ang plano ko ngayon, imbes na papunta na ako sa aking munting sakahan, naging bantay bata nalang muna ako sa araw na ito. Bago naman umalis ang aking kapatid ay kinuhaan ko muna sila nang kanyang anak.
Talaga namang napaka cute nang batang ito eh kaya hindi ko maayawan na mag bantay sa kanya. Kasi habang ako ay nagbabantay sa kanya,nawawala ang pagot nang aking katawan at kahit na lagi siyang umiiyak kapag nilalapag ko siya, kasi mas gusto niyang binubuhat, tuwing nakikita ko ang napaka cute niyang mukha at ang taba niyang pisngi, napapawi ang lahat. Parang kailan lang din noong kakapanganak pa lang niya, napakaliit niya pero ngayong isang buwan na siya, ang laki na niya at naka pulis na kasuotan pa siya na bagay na bagay sa kanya.
Mahigit dalawang oras rin akong nagbantay sa kanya at noong mga nasa 11:15 nang umaga ay nakabalik na rin ang aking kapatid at umuwi na din sila sa kanila. Mabuti nalang at nakatulog ang bata habang ako ay nagbabantay kasi binuhat ko talaga siya.
Kinahaponan naman ay napag disisyonan ko nalang na sa bahay nalang din ako kasi parang nawalan na ako nang pumunta sa aking munting sakahan dahil umulan nang malakas kaya nanoud nalang ako nang telebesyon.
Sa kabuoan ay naging masaya ang araw kong ito dahil naging bantay bata na naman ako kahit na naiba ang plano ko, masaya naman akong nagbantay sa aking pamangkin na napaka cute talaga.
At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sarap kagatin baby na yan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit