The Diary Game Season 3 (01-05-2021) | Pag-aalaga Muna Sa Halamanan Nang Aking Ina.

in hive-103393 •  2 months ago 

Magandang Buhay Sa Ating Lahat!!!

Isang panibagong araw na naman ang nakalipas na dapat nating ipagpasalamat sa Dios dahil sa walang sawa niyang pagmamahal at pag-aalaga sa ating lahat at lalong lalo na ngayong bagong taon.

Ngayong araw na ito, dahil nga sa ma ulan ang panahon ngayon, hindi muna ako makaka punta sa aking munting sakahan kaya nasa bahay lang muna ako at aasikasuhin muna ang mga halamanan nang aking ina.

20210107_203901.jpg

Mga nasa oras na 5:00 nang umaga ako nagising sa araw na ito buhat nang napaka lamig nang panahon kaya napa sarap ang aking pag tulog. Pagka gising ko nga ay agad akong nagpasalamat sa Dios at bumangon na rin pagkatapos upang makapag luto.

IMG_20210107_074131.jpg

Ang niluto kong ulam naman sa araw na ito ay inihaw na isda at inihaw na karne nang baboy dahil nga sa merong nag lako sa araw na ito at meron nabiling karne nang baboy ang aking ina kaya inihaw nalang namin lahat kasi baka masira pa ito. Mga nasa 7:00 na nang umaga na ako natapos sa pagluluto at nag handa na rin para sa aming agahan. Nasa mga oras na 7:40 na kami natapos sa pagkain at binigyan ko na rin nang pagkain ang aking mga alagang mga hayop, ang mga alang aso at pusa,at ang mga alagang manok.

IMG_20210106_120656~2.jpg

Noong napaka umaga pa ay maganda naman ang panahon kaya balak ko sanang pumunta sa aking munting sakahan, subalit noong mga nasa 8:20 nang umaga ay bigla nalang dumiling ang langit at nagbabadyang uulan. Ilang saglit nga lang ay umulan na rin nang mahina hanggang lumakas ito kaya hindi ako na tuloy.

Kaya dahil nga sa wala akong magawa,inasikaso ko nalang muna ang mga halamanan nang aking ina. Habang umuulan ay inayos ko muna ang mga hanging plants na tanim nang aking ina dahil nakalagay naman ito sa lugar na hindi nababasa kasa nang iba pang mga halaman. Ang tanim naman ay tinanggalan ko nang mga damo at nilinisan ang mga ito para maging mas maganda ang pag tubo. Natapos ako nang mga nasa 10:50 nang umaga at nagpahinga na rin habang nanunuod nang telebesyon at naghihintay nang pananghalian.

IMG_20210106_144945.jpg

Kinahaponan naman ay patuloy pa rin ang pag uulan kaya nasa bahay lang din ako. Kaya noong mga nasa 2:00 nang hapon ay napag desisyonan ko na maglalaba nalang nang ilan sa aking mga maroruming mga damit upang hindi ito lalong dumami. Hindi naman gaanong marami ang nilabhan ko kaya mabilis lang din naman akong natapos. Mga nasa 4:00 nang hapon ako natapos at sa wakas huminto na ang ulan at maaari ko pa itong isampay para maka tulo.

Sa kabuoan, kahit na hindi ako natuloy sa pagbisita sa aking munting sakahan dahil sa masamang panahon, naging maganda naman ang aking buong araw dahil meron pa rin akong magawa sa aming bahay at nakapag laba pa. Salamat pa rin sa Dios.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Postingan ini telah dihargai oleh akun kurasi @steemcurator08 dengan dukungan dari Proyek Kurasi Komunitas Steem.

Selalu ikuti @steemitblog untuk mendapatkan info terbaru.

Salam @ernaerningsih.