The Diary Game Season 3 (01-07-2021) | Ang Pagsagawa Namin Nang Serbesyo Sa Namatay Naming Tatay.

in hive-103393 •  2 months ago  (edited)

Isang Maganda pero Malungkot na araw sa ating lahat!!!

Masasabi po na isang malungkot dahil ang aming Tatay ay pumanaw na noong nakaraang araw sa edad na 85 na taong gulang. Isa siya sa napaka bait at masipag na tatay namin kaya talagang malungkot kami.

Ngayong araw na ito ang unang araw nang aming pagbisita at siya namang huli dahil bukas na rin din ang kanyang libing.


20210107_204933.jpg


Sa araw na ito, sisimulan ko ang aking pagbabahagi noong nagising ako nang medyo maaga dahil sa ingay nang aking aso, siguro nasa 4:00 iyon nang umaga dahil sa gusto nitong umihi kasi mas gusto niya umihi sa malayo kaya sinamahan ko muna at pagkatapos ay hindi na ako muling naka tulog kaya bumangon nalang ako nag asikaso nang aking lulutuin ngayong umaga, mga nasa 4:30 na iyon nang umaga. Natapos akong magluto nang kanin nang mga nasa 5:00 nang umaga at sobrang maaga pa nga naman at tulog na tulog pa rin ang aking ina kaya nag iglip muna ako hanggang umabot nang 6:00 nang umaga, doon pa lang ako nag luto nang aming ulam na isda na aking pinirito kasama ang itlog. Natapos naman ako sa pagluluto nang mga nasa 6:40 nang umaga at kumain na rin kami agad agad.


IMG_20210107_114522.jpg


Mga nasa oras na 8:00 nang umaga ay natapos ko na rin ang iba ko pang mga gawain tulad nang pagbibigay nang pagkian sa aking mga alagang manok at mga aso at pusa. Makalipas ang ilang minuto naka tanggap ako nang mensahe na papunta kami sa bahay kung saan naka borol ang aming lolo na pumanaw na kaya agad akong bihis upang kapag nakarating ang aking Pastor ay naka handa na akong umalis. Nakarating naman ang aming Pastor nang mga oras na 9:50 nang umaga at umalis na rin kami agad agad dahil medyo makulimlim ang kalangitan. Nasa mga 30 minuto din ang aming byahe papunta doon at nakarating din kami nang mga nasa 10:30 nang umaga sa lugar pero hindi pa sa bahay na pinag burolan kaya sinamahan naman kami nang aming kasamang kabataan papunta doon. Talaga namang napaka putik nang daan dahil ilang na araw na din na umuulan kaya medyo natagalan din kami sa pag punta doon, mga 10:50 na rin kami nakarating.


IMG_20210107_140317.jpg

IMG_20210107_161740.jpg


Pagdating din namin doon ay agad agad kaming nagsimula sa pagsagawa nang serbesyo, isa ito sa aming ginagawa kapag merong pumanaw na aming kasama. Pagdating namin ay hindi gaanong marami ang mga tao dahil nga sa pandemya na nilimitahan lamang ang mga tao, pero ang importante ay naka bisita kami at nakapag bahagi nang mga salita nang Dios para sa mga tao. Isa din ito sa paraan upang makapag bigay nang simpatiya sa namatayan namin na si Nanay na 80 taong gulang na. Mga ilang oras din kaming nag serbesyo doon at at unti unti ding dumarating ang mga tao na talaga naman nakikinig sa amin kaya laking pasasalamat namin sa Dios.


IMG_20210107_162110~2.jpg


Natapos ang aming Pastor sa pagbabahagi nang mga salita nang Dios nang mga nasa oras 11:30 nang umaga, pagkatapos ay inalayan naman niya nang dasal ang namatayan naming si Nanay kasama ang buong pamilya at habang nagdarasal aming aming Pastor ay siya namang paghagulgol sa pag iyak ang aming Nanay dahil alam naming talagang ma mimiss niya si Tatay. Noong mga nasa 11:50 ay natapos na rin ang aming serbesyo, pagkatapos ay umalis na rin kami agad agad bago pa bumuhos ang malakas na ulan dahil talagang napaka itim na nang kalangitan. Hindi na namin hinintay ang hinanda nilang pagkain dahil baka ma huli pa kami nang malakas na ulan. Noong mga nasa 12:30 nang tanghali nga ay naka uwi na kami nang aming mga bahay at sakto ding mga nasa 1:00 nang hapon ay umulan nang napaka lakas, saktong sakto ng ana umuwi kami agad agad. Sa buong maghapon naman ay nasa bahay lang din ako dahil nga sa napaka lakas nang ulan.

Sa kabuoan ay naging masaya naman ang aking araw kahit na medyo malungkot dahil sa pagpanaw nang aming tatay pero alam naman namin na masaya na si Tatay ngayon dahil kasama na niya ang Dios.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih