The Diary Game Season 3 (01-10-2021) | Linggo Ang Araw Nang Pagsamba Sa Dios ๐Ÿ˜‡steemCreated with Sketch.

in hive-103393 โ€ขย  2 months agoย 

Magandang Buhay At Araw Nang Dios Sa Ating Lahat!!!

Ngayong araw nga ay linggo at ito ang araw na inaalay namin para sa Dios. Nararapat lamang na ating pasalamatan at bigyan nang panahon ang Dios dahil sa kahit minsan ay hindi siya nagkulang. Sa buong buhay natin ay naging maganda ito dahil sa tulong nang Dios at ang maibigay lamang natin ay ang pagbibigay nang pasasalamat at mga papuri sa kanya.


20210111_162231.jpg


Sa araw na ito, dahil nga ito ay araw na iaalay namin para sa Dios, maaga na naman akong gumising siguro mga nasa 4:00 nang umaga at pagkagising ko nga ay agad akong nagdasal at nagpasalamat sa Dios, pagkatapos ay bumangon na rin ako para makapag luto na nang aming agahan. Pagsapit nang mga 5:00 nang umaga ay bigla nalang nag ingay ang aking aso na si Racky, dahil nga sa naka tali na sila ngayon at ayaw niyang umihi dito malapit sa amin, sinamahan ko nalang muna siya kahit na medyo madilim pa at malamig ang panahon.

Mga oras na 6:20 naman nang umaga ay natapos na ako sa aking pagluluto. Bago ako maligo at magbihis ay inasikaso ko nalang muna ang aking mga alagang manok, binigyan ko sila nang pagkain at tubig. Pagkatapos ay naligo at nagbihis na rin ako nang mga nasa oras na 6:50 nang umaga. Kumain na rin ako pagkatapos upang sa pagdating nang aming sasakyan ay nakahanda na ako at makalipas ang mga 30 minuto ay nakarating na rin ang aming sasakyan.


IMG_20210110_093229~2.jpg

IMG_20210110_093225.jpg


Mga nasa oras na 8:25 nang umaga kami nakarating sa aming simbahan at agad din naming sinimulan ang aming pagsamba habang naghihintay sa iba pa naming mga kasama at sa aming Pastor na nasa malayo. Noong mga nasa oras na 9:10 nang umaga ay nakarating na rin ang aming Pastor kaya nag simula na rin ang aming mga pag kanta nang papuri at pasasalamat para sa Dios. Tuwing kinakantahan at sinasayawan namin ang Dios ay para namang nawawala ang lahat nang aming mga problema dahil sa panahong ito, isinisentro lang namin ang aming mga sarali sa Dios kaya talagang gumagaan ang aming mga pakiramdam.


IMG_20210110_103340.jpg

IMG_20210110_103349.jpg


Mahigit isang oras din ang aming mga pagkanta at sayaw para sa Dios at ang kasunod naman ngayon ay ang pagbahagi na nang mga salita nang Dios nang aming Pastor, siguro mga nasa 10:30 na iyon nang umaga. Sa uulitin ay talagang napaka ganda nang salita nang Dios na ibinahagi nang aming Pastor at ito ay patungkol sa kaharian at kalangitan na inihanda nang Dios para sa kanyang mga anak. Marahil siguro ilang beses na namin itong narinig na ibinahagi sa amin nang Pastor pero talagang napupukaw pa rin ang aming mga sarili dahil alam naming malapit na ang pagbabalik nang Dios at ito ay atin nang napapansin sa mga pangyayari sa ating mundo kaya habang nandito pa tayo sa mundo, ating ibigay ang labat na nasa atin lalong lalo na itong buhay.

Mga ilang oras ding nagbahagi ang aming Pastor nang salita nang Dios at laking pasasalamat namin sa kanya dahil sa walang sawang pagbigay nang panahon para sa amin kahit na malayo siya. Mga nasa oras na 11:50 ay natapos na rin ang aming pagsamba sa Dios ngayong araw at agad din kaming umuwi sa aming mga bahay bahay at salamat din sa Dios na ligtas kaming nakarating.

Sa buong maghapon naman ay nasa bahay lang din ako nagpapahinga dahil wala din naman akong magawang iba dahip umuulan na naman, tuwing hapon hanggang gabi nalang umuulan kaya wala talaga kaming magagawa.

Sa kabuoan ay naging maganda naman ang aking araw na ito dahil ngayon ay araw nang Dios, kaming lahat ay nagsasamba sa Dios at nagpapasalamat sa lahat nang bagay na kanyang ginawa.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: ย 
ย  ยท ย 2 months agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih