The Diary Game Season 3 (01-12-2021) | Ang Pagpapatuloy Sa Pag-aani Nang Bunga Nang Niyog 🥥 steemCreated with Sketch.

in hive-103393 •  2 months ago 

Magandang Buhay At Araw Sa Ating Lahat!!!

Kung inyong nabasa ang aking Diary kahapon,maaring masubaybayan niyo ang mga pangyayari. Ngayong araw nga na ito ay ang pagpapatuloy nang aming pag-aani nang mga bunga nang niyog sa aking munting sakahan.

20210113_212319.jpg

Kung kahapon ay maaga akong nagising, ngayong araw ay nasa mga oras na 5:00 nang umaga ako nagising dahil sa pagod buhat nang ginawa naming pag-aani nang mga niyog subalit, nang dahil sa malakas na ulan ay hindi natapos pero ang pagkuha nalang nang mga ito gamit ang balsa at kalabaw ang aming gagawin, kasama ang aking tiyuhin at ang binayaran namin na tumulong.

Noong pagkagising ko nga ay agad akong tumulong sa aking ina na nagluluto dahil mas maaga siyang nagising ngayong araw. Habang siya ay patuloy na nagluluto, inasikaso ko nalang ang aking mga alagang mga manok kasi malapit na din namang matapos ang aking ina.


IMG_20210114_074231.jpg


Mga nasa oras na 7:00 nang umaga natapos ang aking ina sa pagluluto at agad din kaming kumain. Ang ulam naman namin sa araw na ito ay Lumpia na ang aking ina ang gumawa. Madali lang naman itong gawin pero hindi ko nakunan paano niya ginawa baka sa susunod makuhanan ko na. Natapos kami sa aming agahan nang mga nasa 7:50 nang umaga at pagkatapos ay ang mga alagang aso at pusa na naman ang aking inasikaso.


IMG_20210113_101459.jpg


Pagsapit nang mga oras na 8:20 nang umaga ay nagpunta na rin ako sa aking munting sakahan para magpatuloy sa aming gawain at sa pagdating ko nga ay nag-umpisa na ang aking tiyuhin at ang binayaran namin na tumulong sa pagkuha nang mga bunga nang niyog gamit ang balsa at kalabaw. Inuna namin ang sa mga niyog nang aking tiyuhin dahil marami ang mga ito at kasunod ang sa akin. Naging madali nalang ang gawain namin dahil sa kalabaw kaya nagpapasalamat talaga kami, kasi kung kami ang magdadala, talagang napaka bigat. Mga ilang oras din bago natapos ang sa aking tiyuhin at kasunod na din ang sa akin. Mga nasa oras na 11:20 nang umaga nga natapos ang lahat at oras na din na maka uwi ako sa amin para makapag pananghalian.


IMG_20210113_110246.jpg

IMG_20210113_110250.jpg


Kinahaponan naman ay nagpunta ako sa lugar kung saan nakalagay ang mga nakuha naming mga bunga nang niyog at medyo marami nga sila. Ngayon ay hihintayin nalang namin ang bibili nang mga niyog na ito. Subalit medyo matagal na akong naghihintay at meron pa akong lakad sa araw ma ito, kaya ipina ubaya ko nalang sa aking tiyihin ang pagbibinta sa mga ito kasi wala naman siyang ibang gagawin. Mga nasa oras na 5:00 hapon ay nakauwi na nga ako galing sa aking lakad at naibinta na nga ang mga niyog at ibinigay na rin sa akin nang aking tiyuhin ang kabuoang halaga nang napagbintahan nang mga niyog. Hindi naman siya talaga gaanong malaki pero napakalaking tulong na rin ito sa amin lalong lalo na at meron pang pandemya.

Sa kabuoan ay maganda ang araw kong ito dahil sa wakas ay natapos na rin ang aming pag-aani nang mga niyog sa aking munting sakahan at na ibinta na rin. Sabi ko nga ay, kahit maliit na halaga lang ang napagbintahan nang mga niyog pero laking tulong narin ito ngayong panahon na ito, kaya talagang nagpapasalamat kami sa Dios sa lahat nang ibinigay niyang biyaya.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja