Magandang Buhay At Araw Sa Ating Lahat!!!
Isa na namang bagong araw ang aking naranasan at maraming salamat sa Dios sa mga karanasan na hindi malilimutan. Sa mga nakaraang araw nga ay medyo naging abala ako sa aking munting sakahan dahil sa una, nag-ani ako nang mga saging at pangalawa ay ang mga bunga nang niyog kaya medyo naging nakakapagod ang mga nagdaang araw.
Ngayong araw naman ay medyo magiging abala na naman ako dahil paparating na ang unang kaaraaan nang aking pamangkin at kailangan na paghandaan namin ito nang mabuti kaya ngayon ibabahagi ko ang pagtutulongan namin nang mga pinsan at tiyahin ko sa paghahanda.


Dahil nga sa nakatanggap ako nang mensahe kagabi na naghihungi nang tulong ang aking pinsan para sa paghahanda sa nalalapit na kaarawan nang kanyang maliit na kapatid, maaga ako uli nagising upang maagang makapaghanda. Mga nasa 4:45 nang umaga ako nagising at nagluto na rin agad agad at mga nasa 6:50 nang umaga ako natapos sa pagluluto. Matapos akong magluto ay inasikaso ko muna ang aking mga alagang manok bago naligo para makapagbihis na rin. Pagkatapos ay nag-agahan na rin kami at mga nasa 8:00 nang unaga ay natapos na rin ang lahatat naka handa na upang maka alis.
Mga ilas oras lang din ay nakarating na rin ang asawa nang aking nakakatandang kapatid na kasama ko rin na tutulong sa kahit ano mang maaaring gawin doon. Mga 9:50 nang umaga nakarating na rin kami sa lugar na pagdadausan nang kaarawan nang aking maliit na pinsan at ito nga ay gaganapin sa isang resort na malapit lang at pagmamay-ari lang din nang aming tiyuhin. Ang resort nga ay bagong-bago lang at napakaganda dahil nakikita ang karagatan na malapit lang dito.
Pagdating nga namin doon ay agad naming sinimulan ang mga dapat naming gawin at ang una naming ginawa ay ang paglalagay nang mga hangin sa mga balloon at sa mga balloon na meron letra nang Happy Birthday at ang nag-asikaso sa mga balloon ay ang asawa nang aking kapatid at isa pa naming pinsan. Habang ako naman ay abala sa paglilinis at paglalagay nang mga kurtena at iba pang mga gawain habang kami ay naghihintay na matapos ang mga balloon.
Mga ilang munuto nga ay natapos na rin ang paglalagay nang mga hangin sa mga balloon at mga balloon na merong letra na Happy Birthday. Kaya ngayon, oras na para ilagay ang mga ito sa kurtina at maglagay nang mga iba pang mga palamuti. Doon ay pinagtulongan namin ang pag-aayos sito upang mas mapadali ang aming ganagawa. Habang ang iba pa naming mga kasama ay nasa iba ding ginagawa tulad nang pag-aayos nang mga lamesa at mga upoan. Dahil nga sa wala talaga kami gaanong alam sa mga ganito, medyo natagalan kami dahil nahihirapan kami sa paglalagay sa mga balloon na merong letra nang Happy Birthday, at sakas nagawa rin namin pagkatapos nang mga ilang minuto. Mga nasa oras na 11:45 na kami nang tanghali natapos at salamat sa Dios dahil nga nagawa din namin at ngayon handa na ang lahat para sa gaganaping kaarawan bukas.
Ngayon para hindi na maka gasto pa ang aking pinsan para sa aming pananghalian, nagpasya na lang kami na umuwi na sa amin dahil malapit lang din naman at naka uwi nga kami nang mga nasa oras na 12:25 nang tanghali, pag uwi ko nga ay agad din akong nananghali.
Kinahaponan naman ay nasa bahay lang din ako nagpapahinga dahil sa pagod buhat nang mga ginawa ko noong mga nakaraang araw at sa araw na ito pero laking pasasalamat ko sa Dios dahil sa kabila nang lagod ay binigyan pa rin niya ako nang lakas upang magawa ang lahat.
Sa kabuoan ay naging maganda at mapayapa ang aking buong araw sa kabila nang kapaguran nang katawan ay nakatulong pa rin ako para sa unang kaarawan nang aking pinsan at salamat sa Dios na naging maayos ang lahat.
At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.
Happy birthday po
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit