The Diary Game Season 3 (01-14-2021) | Ang Unang Kaarawan Nang Aking Cute Na Pinsan ๐ŸŽ‚ ๐Ÿ‘ถ steemCreated with Sketch.

in hive-103393 โ€ขย  2 months agoย 

Magandang Buhay At Araw Sa Ating Lahat!!!

Isang panibagong araw at buhay na naman ang ating ipagpasalamat sa Dios ngayon dahil sa uulitin ay hindi tayo pinabayaan nang Dios at binigyan niya tayo nang lahat nang ating pangangailangan sa araw araw.

Kung kahapon ay naibahagi ko ang aming paghahanda para sa unang kaarawan nang aking maliit na pinsan, ngayon naman ay ibabahagi ko ang aming pagdiriwang nang kanyang kaarawan.

20210116_154744.jpg

Dahil nga sa ito na ang araw na kaarawan nang aking pinsan at talagang excited ako, mas maaga akong nagising siguro nasa mga oras na 4:20 nang umaga iyon. Pagkagising ko nga ay agad akong nagpasalamat sa Dios at agad ding bumangon pagkatapos para makapagluto na nang aming agahan. Kailangan din naman kasi naming maaga makapaghanda dahil bebyahe pa kami papunta doon sa lugar na pagdarausan. Mga oras na 6:40 nang umaga ay natapos na ako sa pagluluto at habang naliligo pa aking ina ay inasikaso ko nalang muna ang aking mga alagang manok. Mga 7:00 nang umaga ay nakaligo na rin ako at ilang minuto lang din ay kumain nalang din kami nang agahan. Pagsapit nang mga oras na 8:30 nang umaga ay natapos na rin kami sa aking mga dapat gawin sa aming bahay at nag hahanda na rin para maka alis pero hindi pa rin dumarating ang aking nakakatandang kapatid at kanyang pamilya upang magsabay kami papunta doon.


IMG_20210115_121205.jpg


Mga ilang minuto nga ay sa wakas nakarating na rin sa wakas ang aking nakakatandang kapatid at kanyang pamilya, ngayon ay oras na para maka byahe. Mga nasa oras na 10:00 nang umaga nga ay nakarating na rin kami sa wakas sa lugar na pagdaraosan nang kaarawan nang aking pinsan. Doon ay nakarating na rin ang iba pang mga bisita na mga tiyahin at mga pinsan ko. Nakalagay na rin ang tarpaulin na ginawa nang pinsan ko na maganda ang pagka design. Pero na pansin namin na hindi pa nakarating ang aking maliit na pinsan na merong kaarawan ngayon dahil daw sa naghahanda pa ito at mga ilang oras siguro mga nasa oras na 11:20 nang umaga ay nakarating na rin sa wakas ang merong kaarawan.


IMG_20210115_122947~2.jpg

Pagdating nga nang aking pinsan na maliit ay naging abala ang lahat sa pagkukuha nang mga larawan kasama siya para merong remembrance. Para na ring naging reunion namin itong lahat, sa mga kapatid nang aking ina kahit na hindi sila kompleto lahat dahil sa nasa malayong lugar ang iba at pati na rin sa aming mga magpinsan na sa side nang aking ina kasi paminsan minsan lang din kami nagkakasama-sama. Dahil nga sa minsan lang kami nagkakasama-sama, merong mga ilangan ang iba kaya mas maganda nga na nagkikita kita kaming lahat.


IMG_20210115_122805.jpg


Mga nasa oras na 11:50 nang umaga ay oras na nang pagkain kasi mara nga ang mga nakahandang pagkain at syempre ang pinaka espesyal sa lahat na hindi dapat mawawala sa mga okasyon ay ang Lechon Baboy. Lechon Baboy kasi ang isa sa pinaka paboritong handa kapag merong mga ganitong pagdiriwang kaya hindi ito dapat mawawala. Talagang busog na busog kaming lahat dahil sa dami nang nakahandang pagkain kaya pagkatapos ay nag pahinga muna ako.

Kinahaponan naman ay naging abala ang lahat sa ang lahat sa pagkakamustahan sa bawat isa upang kapag nagkikita kita muli ang lahat ay hindi na magkakahiyaan at ilangan sa isa't isa. Mga nasa oras na 4:00 nang hapon ay oras na din maka uwi kami sa amin dahil nga sa bebyahe pa kami at mga nasa oras na 5:00 naman nang hapon ay nakarating narin kami nang ligtas.

Sa kabuoan ay naging maganda at masaya ang akung buong araw dahil nga sa nagdiriwang kami nang unang kaarawan nang aking pinsan at naging daan din ito upang magkikita kita kaming lahat nang magpipinsan at nagkakila kilala, salamat sa Dios sa pagkakataong ito at naging mapayapa ang aming pagdiriwang nang kaarawan.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: ย 
ย  ยท ย 2 months agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

ย  ยท ย 2 months agoย 

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

ย  ยท ย 2 months agoย 

beatiful party. Beatiful pict.