The Diary Game Season 3 (01-16-2021) | Nakita Ko Rin Sa Wakas Ang Aking Dating PaaralansteemCreated with Sketch.

in hive-103393 •  last month 

Magandang Buhay At Araw Sa Ating Lahat!!!

Ngayong araw ay sabado at araw nang pagpapahinga, subalit dahil nga sa meron akong gagawin sa araw na ito kaya na bago ang plano. Kailangan ko kasing magpunta sa sentro dahil meron akong gagawing importante. At sawaks din ay nakita ko muli ang paaralan ko noong bata pa ako.


20210118_153605.jpg


Ang plano ko talaga ngayong araw na ito ay nasa bahay lang at magpapahinga pero dahil sinabihan ako nang aking ina na merong kunin sa sentro nang aming barangay ay na iba ang aking plano.

Ngayong araw ay nasa 5:00 nang umaga ako nagising at paggising ko nga ay nagluluto na rin ang aking ina. Mas maaga siyang nagising kaya siya ang nakapag luto ngayong araw. Habang ang aking ina muna ang nagluluto, pinuntahan ko nalang ang aking mga alagang manok at inasikaso ang mga ito. Mga nasa oras na 7:45 nang umaga natapos sa pagluluto ang aking ina at sakto din na natapos ako sa aking ginagawa kaya kumain na rin din kami agad agad.


IMG_20210118_150818.jpg

IMG_20210118_063614.jpg


Dahil nga sa wala kaming tubig ngayon dahil nasira sa ang water supply dahil sa laging umuulan at malakas kaya kaming lahat ay balik sa poso na siyang ginagamit namin sa mga panahong ito. Merong dalawang poso sa amin kaya mas maganda para iwas ang maraming tao.


IMG_20210117_131800.jpg


Mga ilang minuto,siguro mga nasa oras na 8:50 nang umaga ay oras na upang ako ay magpunta sa sentro at ngayon nga ay maglalakad lang ako dahil hindi naman gaanong malayo. Habang ako nga ay naglalakas sa kalsada bigla nalang akong nakakita nang isang malaking Baboy sa daan buti nalang at walang sasakyan. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako nang Baboy sa daan na ganito kalaki na para na siyang kalabaw kalaki pero napakaliit nang kanyang mukha kaya nakakatawa niyang tignan.


IMG_20210118_150556~2.jpg


Mga nasa oras na 10:15 ay nakarating na rin ako sa sentro nang aming barangay at naroon din ang aming paaralan na kung saan doon ako nag-aaral noong bata pa ako. Paminsan minsan ko na lang din ito nakikita dahil medyo malayo sa amin at dahil din sa busy ang aking buhay aa mga ibang gawain. Noong nakita ko nga ang aking paaralan ay naalala ko na naman ang mga panahong bata pa ako at nag-aaral dito dahil napakasaya panang buhay noon dahil wala pang mga problema, hindi tulad ngayon na napakarami nang problema sa buhay. Natapos ako sa aking ginagawa sa sentro nang mga nasa oras na 11:20 nang umaga at pagkatapos ay umuwi nalang din ako sa amin para pagdating ko ay oras na nang pananghalian.


IMG_20210118_151313.jpg


Kinahaponan naman ay nasa bahay lang ako at oras na siguro ito nang pagpapahinga, mga dalawang oras siguro akong nakatulog at salamat sa Dios para doon. Poagsapit nang mga oras na 4:45 nang hapon ay inasikaso ko nalang muna ang mga halamanan nang aking ina dahil,medyo nasira ito dahil ginalaw nang aking aso, naabot kasi niya at buti nalang at na agapan.

Mga nasa oras na 5:10 namannang hapon ay oras na din na asikasohin ko na din ang aking mga alagang manok upang makakakita pa ang mga ito at maka kain, kasi noong mga nakaraang araw ay medyo madilim ko na silang na bigyan kaya hindi sila gaanong naka kain.

Sa kabuoan naman ay nagpapasalamat ako aa Dios dahil naging masaya naman ang aking araw dahil nga sa nakita ko muli ang aking paaralan na kung saan ako nag-aaral noong bata pa at nagbigay ala-ala sa akin noong bata pa ako at hinihiling ko na sana ay mabalik ang lahat.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salamat sa Dios...

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png