The Diary Game Season 3 (01-17-2021) | Araw Nang Pagsamba Sa Dios At Ang Asawa Nang Pastor Ang Nagbahagi Nang Salita Nang Dios ๐Ÿ™steemCreated with Sketch.

in hive-103393 โ€ขย  last monthย 

Magandang Buhay At Araw Sa Ating Lahat!!!

Isang mapagpala at maligayang araw na naman ang ibinigay nang Dios sa atin kaya nararapat lamang na siya ay ating pasalamatan at purihin nang ating buong buhay.

Ngayon nga ay linggo na naman at ito ang isa sa pinaka hihintay kong araw na kung saan kami mag sasamba at magpapasalamat sa Dios sa buhay na ibinigay sa amin.


20210118_124151.jpg


Ang araw na ito talaga pinaka espesyal sa akin, kasi araw ito kung saan kaming mga kapatiran ay nagkakaisa sa pagpuri at pasasalamat sa Dios kaya excited ako sa tuwing darating ang araw na ito.

Ngayong araw ay mas maaga akong nagising, siguro nasa mga oras na 4:10 nang umaga at nagdasal muna ako sa Dios bago ako bumangan para makapagluto nang aming agahan. Mga nasa 4:30 nang umaga ay bumangon na rin ako para makapagluto na at para sa araw na ito, ang lulutuin kong ulam ay Gisisang Kangkong na isa sa paborito kong ulam.


IMG_20210118_082408~2.jpg


Itong Ginisang Kangkong nga ay isa sa paborito kong ulam at madali lang itong lutuin. Mag gisa lang nang sibuyas at bawang, tapos kasunod ang hinimay na isda, tubig at toyo, at mga pampalasa, kapag kumolo na ito,ang huling ilagay ay ang talbos nang Kangkong at makalipas lang ang mga sampung minuto ay luto na ang Ginisang Kangkong.

Natapos ako sa pagluluto nang mga 6:30 nang umaga. Pagkatapos ay inasikaso ko na din ang aking mga alagang manok, binigyan nang pagkain at tubig. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis para maka kain na rin agad agad. Natapos akong kumain nang mga nasa 7:00 nang umaga at naghintay nalang din nang aming sasakyan nang mga tatlompong minuto.


IMG_20210117_121311.jpg


Mga nasa oras na 7:55 nang umaga na nakarating ang aming sasakyan at nakarating kami sa Simbahan nang mga nasa 8:30 nang umaga at agad din kaming nagsimula dahil meron na ding mga kapatiran namin na nakarating na kaya salamat talaga sa Dios. Noong pagdating nga namin ay hindi pa nakarating ang aming Pastor dahil nasa byahe pa ito pero sinimulan na namin para habang naghihintay kami ay nakapagsimula na kami sa pagsamba sa Dios sa pamamagitan nang mga pag-awit at mga sayaw na inialay namin para lamang sa Dios. Hindi talaga namin mapigilan ang ibahagi ang mga talento namin sa Dios tulad nang pagkanta at pagsayaw sa tuwing kami ay sumasamba sa kanya.


IMG_20210117_102900.jpg


Mga nasa 9:15 nang umaga ay nakarating na rin ang aming Pastor kasama ang kanyang pamilya at ngayon ay oras na sa pagbabahagi nang salita nang Dios pero dahil nga sa hindi gaanong maganda ang pakiramdam nang aming Pastor, ang kanyang asawa nalang muna ang magbabahagi ngayong araw na ito.

Maganda nga ang naibahagi nang asawa nang aming Pastor ngayon kasi nakaka relate talaga kami dahil nga sa mga pangyayari sa mundo ngayon tulad nang pandemya at mga pagbabago sa mga kaugalian nang mga tao. Ibinahagi din niya na kailangan sa panahon ngayon na merong nga problema, ang bawat pamilya ay makaka isa lalong lalo na sa pagsamba at paniniwala sa Dios. Mga nasa 11:40 na nang umaga kami natapos at nagpapasalamat talaga kami sa Dios na naging matagumpay ang lahat. Sakto lang din na medyo natagalan kami kasi libre lang ang pananghalian namin dahil nagdala ang aking tiyahin nang pang tanghalian kaya hindi kami na gutom, nabusog na kami sa salita nang Dios at pati na rin sa pagkain, kaya salamat sa Dios.


IMG_20210118_150522.jpg


Naka uwi naman kami nang mga nasa 1:30 na nang hapon at pag uwi ko nga ay napaka ingan na nang aking aso, yong aso ko na nasagasaan nang sasakyan dahil gusto niyang umuhi at mag bawas kaya sinamahan ko ito sa pag ihi at pagbawas. Pagkatapos niyang umihi at mag bawas ay umuwi na rin kami sa bahay at doon nasa bahay nalang din ako nanunuod nang telebesyon at nagpapahinga.

Sa kabuoan ay talagang maganda ang aking araw kapag araw na nang linggo, na kung saan kami ay magpapasalamat at magbibigay papuri sa Dios. Isa sa inaabangan namin ay ang salita nang Dios na nagbibigay pag-asa sa amin.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: ย 
ย  ยท ย last monthย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja