The Diary Game Season 3 (01-19-2021) | Araw Nang Pagliligo Nang Aking Mga Alagang Aso. ๐Ÿ•๐Ÿถ

in hive-103393 โ€ขย  3 months agoย 

Magandang Buhay At Araw Sa Ating Lahat!!!

Isang magandang araw na naman ang ating napagtagumpayan at salamat sa Dios dahil ako at tayong lahat ay kanyang inalagaan at prenotektahan kaya nararapat lamang na siya ay ating pasalamatan.

Ngayong araw nga na ito ay araw nang pagliligo nang aking mga aso na sina Racky at Bem-Bem dahil para na ding ang dungis na nila.


20210121_135302.jpg


Kagabe ay napakalas nang ulan kaya nag dulot ito nang napaka lamig na panahon kaya ngayong umaga ay napasarap ang aking pag tulog kaya natagalan ako sa paggising at noong nagising nga ako ay nag simula na pala sa pagluluto ang aking ina kaya akin nalang inasikaso ang aking mga alagang manok. Pagkatapos kong mabigyan nang pagkain at tubig ang aking mga manok ay tumulong na din ako sa aking ina sa pagluluto.


IMG_20210119_081812~2.jpg


Ako na lang din ang nagpatuloy nang pagluluto at ang lulutuin kong ulam ay ang Ginisang Sayote na merong Sardinas. Madali lang din itong maluto, kailangan lang ang mga sumusunod na sangkap. Ang mga niwang sayote, mantika at toyo, sibuyas at bawang, asin at seasonings, tubig at sadinas. Unang gawin ay gisahin ang sibuyas at bawang sa mainit na mantika at kasunod ang sardinas, haluin itong mabuti at maglagay nang tubig at toyo, pakuluin nang dalawang minuto at timplahan nang asin at seasonings at takpan. Makalipas ang isang minuto, kapag nakita mo nang kumukulo na ito, ilagay ang mga hiniwang sayote at takpan uli ito. Sa loob nang tatlong minuto, bukhan uli ito at tikman ang sayote kung luto na ba ito at makalipas ang ilang minuto nga ay naluto na rin ang Ginisang Sayote na merong Sardinas. Ngayon ay oras na din nang aming pagkain at talaga namang napaka sarap nang aming ulam ngayon.


IMG_20210121_132606~2.jpg

IMG_20210121_133716.jpg


Matapos naming maka kain ay nag balak sana akong pumunta sa aking munting sakahan, subalit noong nakita ko aking mga alagang aso na napaka dungis na nila kasi ilang araw na din na hindi ko sila naligo, napag desisyonan ko na lang na hindi nalang muna ako pupunta at liligoan ko na lang muna ang aking mga aso.


IMG_20210121_132603.jpg


Mga nasa oras na 9:40 na iyon nang umaga nang niligoan ko na ang aking mga alagang aso. Ang una ko ngang niligoan ay si Racky na kung inyong natatandaan na naibahagi ko din dito na siy ay na disgrasya, na bonggo siya nang isang sakakyan at nagkaroon nang bali at malaking sugat sa kanyang paa. Mabuti na lang at hindi napurohan ang kanyang ulo at ngayong ay talaga namang maayos na ito at nakakapag lakad na, kaya ngayon liligoan ko siya. Noong niligoan ko na siya, noong una ay napaka likot niya pero kinalaunan ay nagustohan na din niya at natapos din ako sa kanya nang mga tatlompong minuto.


IMG_20210121_133910.jpg

Matapos kong mapaligoan si Racky ay kanunod naman ay ang kanyang ina na si Bem-Bem. Si Bem-Bem ay kailangan na talagang mapaligoan dahil ang dumi at dungis na niya, palagi kasi itong nakakawala dahil natatanggal ang pagkatali nang kanyang kadena kaya minsan nagtatatakbo at nakikipag laro sa ibang mga aso kaya narutumihan ito. Katulad nang kay Racky ay noong una,napaka likot ni Bem-Bem at kailangan ko pang hawakan nang mabuti ang kanyang kadena pero kinalaonan din ay huminto na ito at para bang nagustohan na niya.

Natapos na man ako sa pagliligo nang aking mga aso nang mga nasa 10:50 na nang umaga at dahil maaga pa naman, nilakad lakad ko na lang muna silang dalawa para matuyo ang mga ito at para na rin makapag lakad-lakad si Racky, umuwi na rin din naman kami mga 11:20 nang umaga para makapag handa at maka kain nang pananghalian.

Kinahaponan ay bumuhos na naman ang malakas na ulan kaya sa uulitin ay nasa bahay na lang din ako dahil hindi naman ako makaka alis papunta nang aking maliit na sakahan dahil ang lakas nang ulan, tuwing hapon nalang araw-araw, pero nagpapasalamat pa rin ako sa Dios dahil nasa ligtas na kalagayan kaming lahat.

Sa kabuoan ay naging maganda at masaya ang aking buong araw dahil napaligoan kona ang aking mga alagang aso dahil nga sa ang dungis na nila at ngayon ang bango na.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: ย 
ย  ยท ย 3 months agoย 

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

ย  ยท ย 3 months agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja