Maligaya at Mapagpalang Pasko sa Ating Lahat!!!
Isang buong araw na naman ang nakalipas na kailangan talaga nating ipagpasalamat sa Dios dahil sa hindi siya nag kulang sa ating lahat at higit sa lahat ang walang hinto na pag gabay sa araw araw.
Nagdaang na nga ang araw nang Pasko pero patuloy pa rin ang mga pagdiriwang nang iba patungkol dito at isa na nga kami sa aming Simbahan ngayong parating na linggo at bukas na nga iyon kaya ngayong araw na ito maghahanda muna kami para sa gagawin naming pagdiriwang.
Sa araw nga na ito ay ang paghahanda at paglalagay nang mga palamuti sa aming Simbahan para sa aming pagdiriwang pero hindi naman masyadong maaga ang aming paghahanda, siguro nasa mga oras na 10:00 nang umaga kami magsisimula kaya para sa araw na ito nasa oras na 5:00 ako gumising. Pagkagising ko nga ay agad akong nagdasal at nagpasalamat sa Dios dahil sa bagong araw na ito at pagkatapos ay bumangon na rin ako para makapag luto na rin.
Para sa araw nga na ito ang lulutuin ko para sa aming agahan ay piniritong isda at piniritong hotdog, madali lamang itong malutu kaya madali lang din ako natapos, pagkatapos magluto ay inasikaso ko nalang muna ang aking mga alagang hayop, binigyan ko muna sila nang pagkain lalong lalo na ang aking mga alagang manok. Pagkatapos ko ngang maasikaso ang aking mga alagang hayop ay naligo muna ako, pagkatapos maligo ay naghain na rin nang aming pagkain para maka kain na kami nang agahan. Kasunod nito ay binigyan ko na rin nang pagkain ang aking mga alagang aso at pusa bago naghanda para maka alis papunta nang aming simbahan.
Natapos ako sa aking mga gawain sa aming bahay nang mga nasa 8:00 nang umaga at naghintay muna ako sa aming sasakyan papuntang simbahan namin nang mahigit isang oras kasi nga nasa malayo pa ang aking Pastor na may ari nang sasakyan at nakarating nga sila nang mga nasa oras na 9:40 nang umaga. Nakarating naman kami sa aming Simbahan nang mga nasa oras na 10:10 nang umaga at agad agad din kaming nag simula sa aming paghahanda at paglalagay nang mga palamuti.
Habang kami naman ay nagpapatuloy sa paghahanda at paglalagay nang palamuti, ang aking mga maliliit na pamangkin ay sumasali pero hindi para tumulong kundi para guluhin at makipaglaro sa amin. Sobrang kulit talaga pero sa kabila nang kanilang kakulitan ay nakakapagbigay naman sila ang tuwa at saya sa aming lahat kaya napapawi din ang aming mga pagod. Ang isa nga sa pamangkin ko na sobrang likot at syempre napaka cute ay si Baby Reign, siya ay apat na taong gulang pero napaka talino niya kasi sa edad niyang yan ay marami na siyang kaya napapasaya talaga ang mga tao kapag nakikita siya.
Habang ang iba nga ay naghahanda at naglalagay nang palamuti sa aming Simbahan, ang iba naman ay abala para sa pag insayo para sa gagawing pagkanta nang pasasalamat at papuri para sa Dios at ang ibang mga kabataan naman ay nag iinsayo nang kanilang sayaw para sa kanilang presentasyon. Sa aming pagdiriwang nga ay merong kaming mga pag awit nang pasasalamat at papuri para sa Dios kaya kailangan talagang mag insayo para hindi magkakamili para bukas at syempre pati na rin ang mga kabataan na mayroong mga presentasyon kailangan nilang mag insayo para maganda talaga ang kalabasan nito.
Natapos nga kami sa aming paghahanda at paglalagay nang mga palamuti sa aming Simbahan nang mga nasa oras na 4:00 nang hapon pero umuulan na kaya hinintay muna namin na huminto ang ulan bago kami umuwi, mga nasa 4:40 nang hapon na natapos ang ulan kaya nakauwi na nga ako sa aming bahay nang mga nasa oras na 5:20 nang hapon at pagkauwi ko nga ay inasikaso ko agad agad ang mga alaga kong mga manok para makakita pa sila habang kumakain.
Sa kabuoan nga aya naging maganda ang aking buong araw dahil natapos na rin ang aming paghahanda at paglalagay nang mga palamuti sa aming Simbahan para sa parating namin na pagdiriwang at sa kabila nang pagod sa dami nang gawain sa linggong ito nagkaroon parin ako nang lakas para matapos.
At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. ππβ
Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.
Lots of fun!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Keep following @steemitblog to get the latest Update.
Greetings @ernaerningsih
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit