The Diary Game Season 3 (12-27-2020) | Ito Na Ang Pagdiriwang Nang Pasko Nang Aming Simbahan πŸŽ‰πŸŽπŸŽ„

in hive-103393 β€’Β  2 months agoΒ 

Isang Napaka Ganda At Maligayang Pasko sa Ating Lahat!!!

Nagdaan na nga ang Pasko noong ika 25 araw nang Desyembre pero marami pa rin ang mga nagdiriwang nito at kasama na nga nito ang aming Simbahan.

Ibabahagi ko ngayon ang mga kaganapan at mga masasayang nangyari sa aming pagdiriwang na marahil ay makakapagbigay din sa inyo nang tuwa at saya.

20201229_203115.jpg

Dahil nga sa ngayon magdiriwang nang Pasko ang aming Simbahan, medyo nasasabik talaga ako dahil isang beses lang ito mangyayari at isa din ito sa pinakamahalagang kaganapan para sa aming mga kristiyano.

Para makapaghanda nga ako nang maaga, mas maaga akong gumising ngayon mga nasa 4:00 nang umaga at dahil nga sa nasasabik ako, hindi ako gaanong nakatulog kaya parang inaantok pa talaga ako pero kailangan talagang gumising nang maaga, sa katagalan naman ay nawala nalang din ang aking antok pagkatapos na nagdasal ako at nagpasalamat sa bagong araw na ibinigay nang Dios.

Pagkatapos kong mgadasal ay nagluto na rin ako agad agad para mas maaga akong matapos at kasabay nang pagluluto ko ay binigyan ko na rin nang pagkain ang aking mga alagang mga manok kaya naging mas maaga akong natapos sa aking mga gawain kasama na nito ang pagluluto at iba pa. Natapos nga ako sa pagluluto nang mga 5:45 nang umaga at agad din akong kumain baka kasi mas maaga makarating ang aming sasakyan papunta nang aming Simbahan. Mga nasa 6:30 nga ako natapos sa pagkain at agad ding naligo at nagbihis para matapos ang lahat at sakto lang din dahil mga nasa 7:00 nang umaga nakarating ang aming sasakyan, medyo mas maaga ngayon dahil meron kaming pagdiriwang.

IMG_20201227_100002.jpg

Sa araw nga na ito ay araw din nang aming pagsamba kaya merong kaming dalawang programa ngayon, sa umaga ay ang aming pagsamba sa Dios at pagka hapon naman ay ang aming pagdiriwang nang Pasko.

Mga nasa oras na 7:30 na nami nakarating sa aming Simbahan at kunti pa nga ang mga nakarating na kapatiran namin kaya naglinis muna kami at inayos ang mga upoan bago makarating ang iba pa naming mga kasama. Mga nasa 8:15 nang umaga na kami nakapag simula dahil nga sa hinintay pa namin na makarating ang aming Pastor na nasa malayo nakatira.

IMG_20201227_095948.jpg

IMG_20201227_101322.jpg

Ang aming pagsamba ay sinimulan nang aking tiyahin nang mga pasimulang dasal upang ang Dios ay magbigay sa amin nang lakas at samahan kami sa aming pagdiriwang. Kasunod nito ay ang mga pag-awit nang pasasalamat at papuri para sa Dios na pinangungunahan nang king pinsan na babae. Sa aming mga pagsamba ay hindi talaga pweding mawawala ang mga pag-awit para sa Dios dahil sa pamamagitan nito ay naibabahagi o naipapadama namin ang aming pagmamahal para sa Dios dahil sa kabila nang mga problema at pandemya na ating naranasan, hindi pa rin niya tayo iniwan.

IMG_20201227_113803.jpg

Kasunod nito ay ang mga Salita nang Dios na ibinahagi nang aming Pastor, at dahil nga sa ipinagdiwang namin ang Pasko ngayon, ang ibinahagi naman nang aming Pastor ay patungkol dito. Ibinahagi niya kung bakit ang mga kristiyano ay nagdiriwang nang Pasko, dahil ito sa pagkasilang ni Jesus na siyang ating tagapagligtas at nagbibigay nang pagasa ngayon. Makikita nga natin na sa kabila nang mga maraming nangyayari sa mundo ngayon, isa pa rin ito sa nagbigay pagasa sa bawat isa na kapag ipinagdiwang ito ay parang nawawala ang lahat nang mga problema sa mundo.

Screenshot_20201229020011~2.png

Natapos naman ang aming pagsamba nang mga nasa oras na 11:50 nang umaga at syempre kapag merong mga pagdiriwang, hindi talaga pweding walang mga pagkain na pagsalu-saluhan. Ang bawat pamilya nga ay nagdala nang kanikanilang mga putahi na aming pagsasaluhan ngayon at higit sa lahat ay itong isa sa pinaka inaabangan pagkain tuwing merong okasyon kahit ano pa yan, ito ay ang Lechong Baboy. Isa marahil ito sa pinaka paboritong pagkain nang mga Pinoy kapag merong handaan at talaga namang napaka sarap nang Lechon kaya ito talaga ang pinaka unang nauubos. Natapos kami sa aming pananghalian nang mga nasa 12:50 na nang hapon kaya nagpahinga muna kami nang kunti bago kami magsimula nang aming pagdiriwang nang Pasko.

IMG_20201227_121648.jpg

Pagkatapos naming magpahinga nang kunti ay nagsimula na rin kami sa aming ikalawang programa, ang pagdiriwang nang Pasko pero bago mag simula ay nagkuha muna kami nang mga litrato. Mga nasa 1:30 nang hapon na kami nagsimula at ang una naming ginawa ay ang mga laro o Palor Games na pinangunahan nang aking kaibigan na si Dan. Isa sa aming mga nilara ay ang Pinoy Hinyo na kung saan dapat hulaan ang Salita na nakalagay sa ulohan at kitang kita ko na talagang masaya ang mga nakilaro. Isa din sa aming nilaro ay ang unahan nang pagkain at pagubos nang saging habang nakapiring ang mga mata nito. Noong nilaro nila ito ay mas lalong naging masaya ang aming pagdiriwang.

FB_IMG_1609153854340~2.jpg

Natapos ang mga laro nang mga nasa oras 3:20 nang hapon at talaga namang nakakapagod dahil sa saya. Para makapagpahinga muna ang lahat, nagbahagi muna nang sayaw ang mga kabataas para na rin malibang ang lahat. Pagkatapos ay oras na sa pinaka inaabangang parte nang aming pagdiriwang nang Pasko, ang pagbibigayan nang mga regalo. Hindi talaga ito dapat mawala dahil kulang ang Pasko kung wala ito. Makikita din natin na ang pinaka sabik para dito ay ang mga bata dahil nakikita ko na gusto na nilang matanggap ang kanilang mga regalo. Kaya sinmulan na namin ang pagbibigay nang mga regalo at habang tumatanggap nga ang mga bata nang kanilang mga regalo ay kitang kita din sa kanilang mga mukha at mga mata ang tuwa at galak kaya natutuwa talaga ako habang binibigay ang mga regalo sa kanila. Samantala, ang mga malalaki ay meron din namang mga regalo kaya ang lahat at masaya. Natapos naman ang aming pagdiriwang nang mga nasa oras na 4:00 nang hapon at bago kami umuwi ay naglinis muna kami at noong papauwi na kaming lahat ay kitang kita ang mga saya sa bawat isa.

Sa kabuoan, isa na seguro ito sa pinakamasayang araw para sa akin dahil nga sa ngayong araw nagdiriwang nang Pasko ang aming Simbahan at talaga namang napaka saya nang aming pagdiriwang magmula sa umaga hanggang sa hapon naging masaya at mapayapa ang lahat kaya laking pasasalamat namin sa Dios at nawa ay maging mapayapa at masaya rin ang aming parating na bagong taon.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. πŸ˜‡πŸ™β˜

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: Β 

Merry Christmas loloy

Grabe! Sobrang dami ng pagkain tapos may gifts pa. Kakatuwa talaga pag Pasko!

#onepercent
#philippines

Oo nga, ubos ang pera...πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih