The Diary Game Season 3 (12-28-2020) | Bantay Bata Muna Ako Sa Araw Na Ito 👶 🥰steemCreated with Sketch.

in hive-103393 •  2 months ago 

Magandang Buhay at Maligayang Bagong Taon!!!

Nagdaan na nga ang araw nang Pasko at ang bagong taon na naman ang ating inaabangan. Nagpapasalamat talaga ako sa Dios at tayong lahat ay nasa maganda at mapayapang sitwasyon ngayon sa kabila nang pandemya.

Para sa araw na ito, medyo kakaiba ang raw na ito dahil ako ay naging tagapag bantay nang bata, ito ay ang anak nang aking nakakatandang kapatid kahit na hindi talaga ako sanay sa pagbabantay nang bata.

20201230_085259.jpg

Nagsimula ang araw kong ito sa mga oras na 5:00 nang umaga, hindi ako gaanong maga nagising buhat nang pagod ako dahil sa mga pangyayare kahapon, sa pagdiriwang namin nang simbahan nang Pasko. Pagkagising ko nga ay nagdasal muna ako sa Dios at nagpasalamat dahil sa walang tigil niyang pag-aalaga at pagbibigay nang bagong araw sa akin. Pagkatapos ko namang magdasal sa Dios ay bumangon na rin ako at nagluto na agad agad.


IMG_20201230_081128.jpg

Ang niluto kong ulam sa araw na ito,ang Pancit.


Para nga sa araw na ito, ang lulutuin ko ay ang isa sa pinakapaborito kong pagkain nang mga Pinoy, ang Pancit. Sa luto nga nito ay kailangan lang nang mga tinadtad na sibuyas at bawang, karne nang baboy o manok, tuyo o pampalasa at pancit. Unang gagawin ay gisahin ang sibuyas at hintayin na medyo maluto ito bago ilagay ang karne at hintayin saglit na maluto ito, pagkatapos ay lagyan ito nang tubig. Makalipas ang mga limang minuto, kapag nakita muna na luto na ang karne, ilagay na rin ang pancit at mga pampalasa at hintayin uli mga nasa dalawanh minuto, lahoin ito nang mabuti at ilang saglit lang ay luto na ang pancit. Talaga namang napaka sarap nang ulam namin ngayong araw na ito kaya busog na busog talaga ako.

Pagkatapos kong kumain mga nasa 7:40 nang umaga ay kasunod kong binigyan nang pagkain ang aking mga alagang mga hayop, ang aking mga aso at pusa, pati na rin ang aking mga alagang manok. Mga nasa 8:00 naman nang umaga ay inasikaso ko rin ang mga halamanan nang aking ina, bininyagan ko ang mga ito at kinuha ang ilang mga damo na tumubo.


IMG_20201228_084820~4.jpg

Sobrang himbing nang tulog nang aming Baby.


Makalipas naman ang ilang oras, mga nasa oras na 9:00 nang umaga ay dumating ang aking nakakatandang kapatid kasama ang kanyang asawa at ang kanilang maliit na anak na lalake, noong una hindi ko alam kung bakit sila nandito at kung ano ang gagawin nila pero ang totoo pa nilang gagawin ay ibibilin muna nila ang kanilang anak sa amin kasi mamimili muna sila nang kanilang mga pangangailangan kasi wala daw ibang magbabantay sa kanilang anak.

Sa totoo lang, wala talaga akong karanasan sa pagbabantay nang maliit na bata, lalo na at ito ay isang buwan pa lang kasi nga wala pa akong anak pero sabi naman nila na madali lang, pero sabi pa nila medyo nasanay itong anak nila na laging binubuhat kaya kapag nagising at umiyak, buhatin lang siya at tiyak na tatahimik ito, makalipas naman ang ilang minuto ay umalis na rin sila para mamili. Mabuti nalang at tulog pa ito nang kanilang iniwan kaya nilapag muna namin.



Nagising na ang aming maliit na Baby.


Kasamo ko naman ang aking ina sa pagbabantay pero umalis din siya makalipas ang ilang minuto kasi meron din siyang lakad kaya ako nalang ang natirang magbabantay. Mga nasa oras na 10:30 nang umaga ay nagising na nga napaka cute na baby namin. Noong una ay tahimik pa ito at lagi lang nakatingin sa paligid pero ilang saglit lang ay umiyak ito kaya ginawa ko yong tinuro nang aking kapatid na buhatin ito at totoo nga kasi bigla nalang itong tumahimik noong binuhat ko ito at ilang saglit lang ay nakatulog. Nilapag ko siya muli pero bigla nalang nagigising kaya binuhat ko na naman, medyo nakakapagod siyang alagaan kasi mas gusto niyang binubuhat lage kasi kapag binubuhat siya ay mahimbing ang kanyang tulog pero kapag nilapag naman ay bigla nalang nagigising.

Mga nasa 11:40 na nang umaga naka uwi ang aking nakakatandang kapatid at kanyang asawa galing nang bayan na namili nang kanilang mga pangangailangan, pagdating nga nila ay mahimbing naman ay tulog nang anak nila pero buhat buhat ko ito kasi kapag inilapag ko ay bigla nalang nagigising at iiyak, kaya minabuti ko nalang na buhatin ko nang mahigit dalawang oras. Bago naman sila umuwi nang kanilang bahay ay dito nalang sila kumain sa amin kasi pagdating naman nang aming ina ay meron itong mga dalang ulam na kanyang binili.

Mga nasa 1:10 na sila nang hapon umuwi nang kanilang bahay at mahimbing naman ang tulog nang aming baby habang papaalis na sila. Sa kabila naman nang pagod nang pagaalaga sa kanya ay napapwi naman ito sa tuwing nakikita ko ang napaka cute niyang mukta at naka bilog na pisngi.

Sa buong maghapon naman ay nasa bahay kang din ako, nagpapahinga buhat nang napakaraming ganap sa mga araw na nagdaan at meron pang bagong taon na inaabangan kasi natitiyak kong meron na naman kaming hantaan pero sa panahong ito na merong pandemya, marahil ay hindi kaanong malaki dahil sa hirap nang panahon ngayon, hindi tulad noong nakaraang taon pero nagpapasalamat pa rin kami sa Dios dahil hindi talaga siya nagkulang at laging nakaalalay sa lahat nang panahon.

Sa kabuoan, ang buong mag hapon ko ay talagang napaka saya at maganda dahil unang pagkakataon ko itong mag alaga nang maliit na bata pero salamat sa Dios at nakaya ko naman kahit na nakakapagod dahil mas gusto nitong buhatin lagi kasi bigla nalang itong nagigising kapag nilapag.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Soon you will have your own children. You are such a good Uncle @loloy2020

Yes ate, soon.. Thanks ate, Happy New Year!

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih