The Diary Game Season 3 (12-29-2020) | May Nabaling Sanga Nang Kahoy Sanhi Nang Malakas Na Hangin At Ulan

in hive-103393 •  2 months ago 

Maligayang Bagong Taon sa Ating Lahat!!!

Isa na naman sa pinaka inaabangan natin ay ang parating na bagong taon na kung saan, nararapat lamang na ating ipagpasalamat sa Dios dahil sa kabila nang mga pagsubok sa taong 2020 ay patuloy pa rin siyang nakasubabay at nag bigay nang ating mga pangangailan at ngayong parating na taong 2020, patuloy pa rin tayong manalig na manampalaya sa Dios.

Ngayong araw nga na ito, ay ang araw upang maglinis para pagdating nang bagong taon, meron tayong kapaligiran na malinis.

20201230_090136.jpg

Kagabi nga ay dumating ang napakalakas na ulan, mga nasa oras na 11:00 nang gabi dumating ang malakas na ulan kaya sobrang lakas nang hangin at napaka lamig nang panahon. Pag sapit naman nang mga nasa 3:00 na nang umaga bigla na lang akong gising dahil sa kalabog na aking narinig galing sa aming likod, yun pala ay merong sanga nang kahoy na nabali dahil sa lakas nang hangin dala nang ulan at nahulog sa aming bubong kaya kina umagahan ay ito ay aking inasikaso kasama ang aking ina.

Sa kabila nang nagising ako nang mga nasa 3:00 nang umaga, nakatulog pa rin ako at nagising nang mga nasa 5:00 nang umaga. Pagkagising nga ay agad akong nagdasal sa Dios at nagpasalamat sa bagong araw na naman na kanyang ibinigay. Pagkatapos ay bumangon na rin ako at pinuntahan muna ang nabali na sanga sa likod nang aming bahay at ito nga ay nasa bubong namin.

IMG_20201231_075243.jpg

Para naman sa araw na ito, isang masarap na ginisang ampalaya ang ulam namin. Madali lang naman itong lutuin. Ang unang gagawin ay gisahin ang sibuyas at bawang, pagkatapos ma gisa ay ang ampalaya na sunod na hiniwa nang maliliit tapos lagyan ito nang asin at pampalasa. Kapag nakita muna na naluto na ang ampalaya, ilagay muna na rin ang binating itlog at lutuin ito nang mabuti at haluin. Makalipas ang ilang saglit ay luto na ito at handa na upang ulamin. Natapos akong mag luto nang mga nasa oras na 7:00 nang umaga at agad din kaming nag-agahan upang ma umpisahan na ang pagtatanggal sa nabaling sanga nang kahoy sa aming bubong.

IMG_20201229_115710~2.jpg

IMG_20201229_115650~2.jpg

Mga nasa 8:00 na nang umaga ako natapos sa iba ko pang mga gawain tulad nang pagbibigay nang pagkain sa aking mga alang hayop kaya pagkatapos ay agad ko na ring tinarabaho ang pag tanggal sa sanga nang kahoy.

Kasama ko nga sa pagtatanggal sa sanga ay ang aking ina pero hindi naman gaanong mabigat ang gagawin niya. Ako ang taga putol nang sanga na nasa aming bubong at siya naman ang taga kuha pero yong mga maliliit lamang ang kanyang kinukuha at ako pa rin ang nagpatuloy. Merong mga sanga na maliliit, meron ding mga sanga na malalaki at talagang nahihirapan ako doon sa mga malalaki pero naging maayos naman ang lahat. Mga nasa 10:00 na nang umaga kami natapos sa pagtatanggal nang sanga nang kahoy kaya nag pahinga muna ako saglit bago ko pinagpatuloy ang iba ko pang mga gawain kasi meron pang ibang mga dapat linisin at ayosin sa aming bahay at natapos ko ito lahat hanggang hapon kaya medyo naging abala ako sa araw na ito sa paglilinis at katuwang ko dito ang aking ina.

IMG_20201229_133349~2.jpg

IMG_20201229_150803.jpg

Natapos naman kami nang aking ina nang mga nasa oras na tatlo nang hapon pero bigla nalang dumating ang aking nakakatandang kapatid at ibinilin uli ang kanyang anak sa amin pero basang basa kami nang pawis kaya agad agad kaming naligo upang makabantay na sa bata at malinis kami para walang kahit na ano mang mekrobyo o sakit mapasa sa bata. Agad ding umalis ang aking kapatid dahil meron siyang importanting gawin at higit sa 2 oras din bago sila naka uwi, mga nasa 5:40 na sila naka balik at umuwi sa kanilang bahay.

Sa kabuoan ay naging napaka abala nang aking buong araw ngayon dahil nga sa sanga nang kahoy na nabali dulot nang malakas na hangin dala nang ulan at pagka hapon ay nagbantay ako uli sa anak nang aking kapatid pero sa kabila nang lahat na ito nagpapasalamat ako sa Dios dahil binigyan niya ako nang lakas at magandang kalusogan.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01,@steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih