The Diary Game Season 3 (12-30-2020) | Balik Bisita Sa Aking Munting Sakahan

in hive-103393 •  2 months ago 

Isang Maligaya at Manigong Bagong Taon sa Ating Lahat!!!

Isa na namang bagong araw ang nakalipas bago matapos ang taong ito kaya ako ay magpapasalamat sa Dios at sa lahat nang taong naging bahagi nang aking buhay lalong lalo na ang lahat nang mga sumusuporta sa akin.

20201231_210628.jpg

Para naman sa araw na ito, balik muna ako sa aking munting sakahan upang matignan ito kasi mga ilang araw na rin na hindi ako nakabisita dito dahil sa mga kaganapan sa aking buhay dulot nang pagdiriwang nang Pasko.

Kaya sa araw na ito, mas maaga akong gumising, mga nasa 4:30 nang umaga akong gumising dahil mas maaga din akong nakatulog kagabe. Pagkagising ko nga ay nagdasal at nagpasalamat ako sa Dios agad agad at pagkatapos ay bumangon na rin ako upang makapag luto na nang aming pagkain.

Ngayong araw na ito, merong maagang naglako nang isda dito sa amin at ang aking ina naman ay bumili nang Bangus na isda. Ang Bangus nga na ito ay ang uulamin namin ngayon, inihaw ko ito habang binalotan nang foil upang hindi masunog. Mga nasa 7:00 nang umaga na ako natapos sa pagluluto at pag ihaw nang Bangus na isda, pagkatapos ay nag hain na rin ako para makakain kami. Mga nasa 7:50 nang umaga kami natapos sa pagkain at kasunod ko namang pinakain ang aking mga alagang aso, pusa at mga manok.

IMG_20201230_101226~2.jpg

Mga nasa oras na 8:30 nang umaga naman ako umalis nang aming bahay papunta sa aking munting sakahan at pagdating ko nga doon ay tinignan ko agad agad ang aking mga tanim na saging at iba pang tanim. Nakita ko nga doon na meron nang mga pweding anihing bunga nang saging pero hintayin ko muna na yong talagang gulang na ito o saktong sakto na upang anihin. Mga iilan din yong nakita ko at siguro mga 2 o tatlong linggo pwedi na itong maani at maipagbili, meron din naman kasi kaming suki na bumibili nang mga bunga nang saging kaya nagpapasalamat talaga ako dahil dito.

IMG_20201230_110008~2.jpg

Mga ilang oras din ako sa aking munting sakahan at makalipas ang mga dalawang oras, siguro nasa 11:00 nang umaga ay nagpunta muna ako sa ilog na malapit sa aking sakahan para makapagpahinga at makapagpahangin kasi napaka presko at napakalamig nang hangin doon. Ilang saglit nga ay merong mga taong tumawid nang ilog, mga kakilala ko naman sila at papauwi na sila nang kanilang tahanan galing sa kanilang lakad. Mga nasa 11:50 nang umaga naman ay nagdesisyon na rin akong umuwi nang bahay at pagdating ko ay saktong pananghalian na.

Sa buong maghapon naman ay nasa bahay lang din ako habang nanunuod nang telebesyon at nagpahinga. Mga nasa oras na 4:00 nang hapon ay inalagaan ko lang din ang mga tanim nang aking ina at pinakain ang mga alagang manok.

Sa kabuoan ay naging maganda naman ang buong araw ko, ilang araw bago matapos ang taon. Balik muna ako sa aking munting sakahan upang maka bisita at makita ang mga tanim, laking pasasalamat ko naman na meron nang pweding maani ilang linggo mula ngayon.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Daming saging mo idol

Hahahah, salamat sa Dios.. Sali kana sa Diary game bro.

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih