My Verification Post: @aideleijoie/Luzon Region/September 09, 2021

in hive-169461 •  last month  (edited)

Masayang araw po sa inyong lahat dito sa ating Steemit Philippines community. Ako po ay magpapakilalang muli sa ating komunidad sa pamamagitan ng pagpasa ko ng aking verification post upang makasali namang muli sa pagpost ng mga kwento patungkol sa aking pang araw araw na pamumuhay dito sa mundo. Makabahagi ng mga kwento na mapupulutan ng aral. Medyo matagal na din akong hindi nakapag pasa ng aking mga diaries at posts dito sa ating community.
Kaya nais kong magpakilalang muli dito.

241293430_662994278437298_6048788469229116463_n.jpg

Ako po si aidelei joie , 46 years old, 25 years ng may asawa and still keeps getting stronger at kami ay nabiyayaan ng isang napakabait na anak. who is 19 years old na. Katatapos lang mag graduate sa Senior High School and is currently going to College.
Nakasali ako dito sa Steemit dahil sa aking napakagandang mother na si mommy @jurich60. Ako ang pinaka panganay sa kanyang walong magaganda at mga gwapong anak. Ako ang pinakamaganda sa lahat dahil ako ang nauna.... hahaha, char lang. Kapatid ko din si @jewel89 na isa ding myembro dito sa ating community.
Si mommy jurich ang naganyaya sa akin dito sa steemit. Ngayong taon palang din ako sumali dito kaya marami pang mga dapat matutunan kumbaga bubot pa ang aking kaalaman pagdating sa blogging platform na eto. Ako ay nagpapasalamat sa kanyang walang sawang suporta sa akin at sya ang aking mentor dito pati na din si sister @me2selah at si @jb123, sa kanila ako madalas magtanong kung may mga bagay akong hindi alam patungkol dito sa ating komunidad.

Tubong Cebu City po ako, Bisdak kumbaga born and raised in Cebu. After ko Mag graduate ng HIgh School sa USC-GHS kami ay lumipat na dito sa Luzon. Kasalukuyang naninirahan sa Olongapo City. Dito na ako nakapag aral ng kolehiyo hanggang sa dito ko na din nakilala ang aking soul mate, ang aking better-half. Sa edad kong 46 napakarami ko ng naranasan patungkol sa buhay. Marami na din akong naging mga trabaho. After College nakapagtrabaho ako sa isang five star hotel and Casino noon dito sa Subic yong dating US Naval Base or base militar ng mga Amerikano noon.
Sa back office ako, Finance Department sa loob ng sampung taon. Kailangan kong magresign noong 2006 sa aking trabaho dahil after seven years naming magasawa saka palang kami nabigyan ng anak nung 2002. Palaging nagkakasakit ang anak ko bago sya mag bibirthday dahil palaging yaya lang ang nagaalaga sa kanya. Wala kaming kasama ng asawa ko na kapamilya na pwedeng tumingin sa kanya. Dahil that time ang byenan kong babae ay nasa US, sa America sampung taon din siya doon at si mother ko naman ay that time may tindahan sa pag gagantsilyo kailangan nyang maghanap buhay dahil maliliit pa ang aking ibang mga kapatid din noon. Natutuwa din naman ako na ako ay naging full time mom dahil nasubaybayan ko ang paglaki ng anak ko hanggang sa siya ay mag-aaral na. Pagdating nya ng grade IV nagkarun ako ng chance na makapagtrabahong muli sa isang retail company dito din sa Subic Bay. Nagumpisa ako bilang branch accountant dahil ang aming kumpanya ay chain of stores and lahat ng stores sells branded items. Yong may-ari kasi ng kumpanya ay sya ang nagtayo ng Duty Free Philippines nung time ni President Aquino kaya after ng term ni president Cory sya naman ang nagtayo na ng mga companies lahat na duty free sa mga airports pati sa mga freeport kaya may branch sa Subic dahil ang Subic ay isang Freeport Zone kumbaga walang mga taxes ang products dito. After two years sa company they promoted me to be the Store Operations Manager here in Subic. Meron kaming tatlong malalaking tindahan dito sa Subic at pinasama na din na pinapapuntahan sa akin ang mga branches sa Pampanga. Napaka hirap magpatakbo ng tindahan dahil kailangan alam mo lahat ng inventory at status ng lahat ng mga items. Mga mamahaling bags ang binibenta ng aming tindahan katulad ng Michael Korrs, Coach, Kate Spade, Marc Jacobs, United Colors of Benetton to name a few at marami pang branded items like perfumes and makeups. Kasama na din si Victoria Secret at kami din ang nagiimport direct from the suppliers abroad at dito sa Subic ang bagsak and from dito sa amin sa Subic kami na din ang nagdistribute sa maraming branches all over the Philippines na Duty Free like Clark, Baguio and in Manila. Napakalaking responsibilidad ang hawak ko kasama pa dun yong bumili ng yate like yacht yong Boss ko from America and dito uli ang processing sa Subic. Mahirap dahil I was literally married to the shop. Wala na akong time with friends as in life ko nagcirculate na lang sa pagpapatakbo ng mga tindahan at 40 staffs ang hawak ko. Walang holidays Pasko, New Year, Holy Week nasa work ako. If I am on leave ang dami pading calls tumatawag mga store supervisors sa mga problema sa tindahan kaya para ding hindi ako nakaleave. Palaging iniisip mameet ang monthly quota's and not just meeting it but exceeding it which was what I did. Natutuwa naman ako at palaging malaki ang sales namin noon. Palaging sobra sa quota dahil ako mismo nagmamarketing sa mga dati kong kasamahan sa trabaho sa mga kapwa ko mothers sa school sa Sped-G Kalayaan inside the base na mga well to do.
But after seven years of working there, I resigned dahil always promises lang ang increase ng sahod ko pero wala namang nangyayari. Sobrang napakarami akong natutunan sa work ko na yon kasi para nading akin na ang mga stores dahil ang head office ay pinababayaan na nila ako kung papano imanage ang mga stores. Nasa akin lahat ng problema. Panay takbo ko sa ibat-ibang branches na kadalasan ako na din magisa ang nagdadrive, bumabyahe dahil nga dito sa amin ang importation kaya palaging busy ang aming company driver magdistribute ng mga goods sa ibang branches. Mabuti na nga lang at that time malaki na din ang anak ko kaya sya na ang pumupunta sa office ko galing school didirecho na sya sa work ko at sabay na kaming umuuwi which is during closing time na din ng stores at 8pm or 10 pm pa nga or sasabay na sya kay Papa nya kung maaga din sya uuwi. So doon nag eevolve and revolve ang mundo ko for many years.

Nagresign ako March 2016 after nun May nagtry ako magwork as an online English teacher gladly I was launched as a new teacher after a month of training. I enjoyed my job din dahil another platform ibang-iba sa previous job ko. NOw, I am the boss of my own time. NO need to wear office clothing, high heels because we have a uniform naman the best part is I don't have to run after time. NO need to rush to work. No irate customers calling. No more complaints and most of all I have more time with my family. Basta they see me in the room having classes and it pays very very well. Not to brag but my one month salary as the Manager I could earn it within my 15 days from teaching most specially when I had a lot of regular students already who were always booking my classes. NO dull moments because you have to be smiling always for your students who are mainly kids. I love talking a lot so my personality really suits the work. I was happy and contented. I get to learn a lot as well because teaching is not easy and I've had a lot of adult students as well who are well versed and are fluent in English. They just want someone to talk to so they can practice more their English or others are preparing for their IELTS so they can study abroad mainly in Europe for their Masters degree and College degree.

February last year, I filed a leave of absence from teaching after almost 4 years because hubby opened up a business and he needed assistance already for the admin and finance side of the company. Now hubby and I are managing our own business at ako ay sobrang nagpapasalamat sa panginoon dahil dininig na nya ang aking panalangin na magkaroon kami ng oras na magkasama kami ng aking asawa dahil parehas kaming nagtatrabaho din noon.
Palagi kaming busy lalong lalo din sya dahil napakalaki din ang kanyang responsibilidad sa dati nyang kumpanyang pinapasukan sa loob ng twenty five years noong sya ay magearly retirement taong 2017 sa edad na 47 years old.

Kami ay masayang-masaya sa aming ginagawa ngayon. Nagpapatakbo kami ng aming building maintenance services na business. Sa panahong eto kami na ang boss hindi na kami nangangamuhan kaya hands on tlaga kaming magasawa sa aming lahat na ginagawa. Isa na kami ngayong contractor na nagbibigay ng serbisyo sa dating kumpanya ng asawa ko na local water district dito sa Subic. So far maayos naman ang aming trabaho pero nung nagpandemic kami din ay nawalan ng trabaho pero sobrang nagpapasalamat sa panginoon dahil kahit papano hindi naman kami totally na zero sa trabaho lalo na sa mga emergency works. GInagawa namin building maintenance pati ground and pati rivers na din. Mga facilities sa water treatment Plant. All around ang aming trabaho dahil ginagawa namin ang iron works, carpentry, masonry, electrical, mga grass cutting pati tree cutting basta anything na need aayusin ginagaw namin at kami din ay licensed and accredited na kumpanya sa loob ng base. Ngayon Anino ko si hubby at anino din nya ako..... ahahaha. Pagpasensyahan nyo na mapagbiro tlaga ako, joker at masayahing tao always happy lang. Grateful kami dahil nakakabigay kami ng trabaho sa mga tao dito sa aming lugar. Grateful dahil kapag you fully surrender to the Lord He will guide you and bless you. He is my captain and he steers us to the right path always. I love the Lord so much dahil napakaraming miracles na and blessings ang ibinigay nya sa akin at sa aking pamilya.

At dito na po nagtatapos ang aking pagbahagi, pagpapakilala sa aking sarili.Medyo mahaba na ang aking artikulo. More power to this community na ngayon ang lumalaki na dumadami na ang mga members.

Hanggang dito na lamang muna ako and looking forward to more fruitful blogs in this awesome community.

Ako ay sobrang nagpapasalamat din sa aking sister s@jewel89 na sya ang palaging nagsasabi sa akin na gawin ko na ang aking verification post para makapag bahagi na ako ng aking diary.

Lubos na gumagalang,

@aidelei joie

steemit phils GIF footer.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Under jewel na invite. Verification accepted. Ang haha NG intro teh. Kasama mo po si Jewel sa Olongapo?

haha, yan po problem ko into details ako masyado. Yes po under jewel po. Sister ko po si Jewel Ate nya ako sis.

I know anak ka ni mommy Judy hehehe. Ok confirm ko lang :) Mas ok yung detalyado. I read everything our awesome community members are posting here. See yah often :)

Finally naa na jud ka dri ate... Welcome and enjoy.!!! God Bless

haha, oo nga sir busy kasi the past month sunod sunod ang projects. Pipilitin kong maging active uli.

Welcome dito ate, salamat sa pagbahagi mg iyong verification post.😊

YeYY!! Finally sis! hehe Maraming salamat sa pagpaverify!!

yes sis, Finally, time ang kulang sa akin hehe.... grateful nagkatime.
Thank you din sis.

Maraming salamat po sa pag verify nang iyong sarili.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

Thank you po sa info.

Yeah, welcome to Steemit Philippines Community. Nawa'y maging active ka sa community.

Yes mommy, I will try my very best to always post. Thank you. muah!

Hello po, @aideleijoie!

Thank you for participating in the verification process, and welcome to the community!

Here are some quick links to guide you in your Steemit Journey:

Our community conducts several contests. If you want to join the fun, then check the community account--@steemitphcurator-- for daily updates.

You can also check and follow the different social media accounts:

Thank you, and see you around! :)

Thank you so much @kneelyrac for welcoming me to the community. Yes, I will check out the updates for our diary games and other contests. More power po to our community.

Yehey, congrats po my beautiful Ate @aideleijoie makaka join kana po sa diary game 🥰
Ang haba ate hahaha tinapos kopo talagang basahin 😘
Welcome back po ate❤️

Thanks my dearest sister.

Mabuhay at Congratulations!!!

Isa ang post na ito sa napiling recommendation post para sa @booming upvote sa araw na ito. Maghintay na lang po bukas o higit pa kung natanggap ang post mo.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Maraming Salamat po!!!